Chapter 14
Tagaytay
Wala akong pinag-sabihan ng lakad namin bukas ni Draven. Hindi ko alam kung kaninong kotse ang gagamitin namin. Pero ako ang nag-suggest so siguro manghihiram nalang ako ng kotse sa bahay, marunong naman akong magdrive.
Hindi na kasi namin napag-usapan ang plano. Tinapos namin yung isang activity para wala kaming iisipin bukas. Hinatid niya ako pagtapos.
Kinuha ko ang gitara sa gilid ng kama. Matagal tagal ko na din 'tong hindi nagamit. I tuned it before I start playing, I hummed the song "wonderwall" along the sound of my strumming.
I ended the song with a brush.
Biglang kong namiss tumugtog kasama sila End. Last jam namin nung last month pa. Alam kong busy din sila lalo na't nasa college na. Hindi na tuloy ako makapaghintay sa christmas break nang makapag out of town na kami.
Kinuha ko ang cellphone ko nang may naalala. Papa-sched na pala ako ng piercing sesh sa tattoo parlor na pinuntahan namin dati. I thought 'bout having septum but Mom will surely hyperventilate at baka palayasin ako kaya 'wag nalang. In the end I decided to have navel piercing and make my helix, double.
Draven's name flashed on my screen. Umayos ako ng upo habang nasa kandungan pa din ang gitara.
dravengaston: Papasok ba tayo bukas?
I chuckled. Kita mo nga naman 'to... mandadamay pa ng katamaran niya.
janvalkyrie: Ofc! after class alis natin. Babaon nalang ako ng damit pamalit.
janvalkyrie: Btw, whose car we'll use? Sa akin?
dravengaston: Okay, see you after class. i'll bring the white, the last one?
What? After class? Hindi na naman papasok ang isang 'to. And what white? Maybe the sports car? Ang agaw pansin naman niya masyado kung gano'n! Simple nalang sana.
janvalkyrie: Pumasok ka bukas, we have an evaluation and that car was too flashy! Just use other. May pick up ka ba?
Wow, demanding pa nga.
But really, I find pick ups perfect for roaptrip. You know, pwedeng doon na tumambay while watching breathtaking sceneries, eat snacks and something like that.
dravengaston: What's with the pick up? pero sige meron ako.
Yun!
janvalkyrie: Great! see u tom. And please attend the class, ako ang assigned sa attendance at naiinis akong kayong tatlo ng aports mo lang iyong wala!
Imagine, ako lagi yung kinukwestyon ng adviser namin sa absence ng tatlo. Ano bang malay ko sa kanila 'di ba?
dravengaston: hahahaha sorry, oo sige papasok na, as you say.
At natawa pa talaga.
Inayos ko ang dadalhin bukas. Tinanggal ko ang notebooks sa bag at iniwan lang ang ayon sa sched. Nilagay ko ang isang black shirt, sakto na para sa ilang oras do'n.
Maagang natapos ang klase. Pumasok si Draven pero two subs late, saktong adviser na namin siya nakapasok kaya ayon... napatawag sa faculty.
Hinihintay ko siya dito sa bench kaharap lang ng sasakyan niya. Sinabi kong hihintayin ko pa si Draven kaya nauna na sila Haze, wala din silang idea sa lakad namin. 12:20 na at tirik na tirik ang araw pero madami pa ding estudyante sa campus, karamihan papunta sa faculty para ipasa ang paper works. Lumabas si Draven sa isa sa mga 'yon. Nakasuot ng plain black shirt, jeans at white sneakers, nakapag-palit na dahil katabi lang ng faculty yung CR.