Chapter 6
Slap
"Pahiram ako." Nginuso ko kay Jorge ang gray niyang tumbler.
"Sige lang," She yawned. "Dagdagan mo na din 'yan. Nanghihina ako..."
Kinuha ko ang tumbler sa bag niya at lumabas.
Sobrang ingay ng room namin ngayon dahil himalang kumpleto kaming lahat. Madalas kasi ang absent ng ilan sa'min at ang karamihan ay babae pa.
Si Jorge kanina pa nag eemote dahil nanghihina daw siya. Boring na naman kasi ngayong araw at wala kaming magawa para malibang. Hindi kami makapag uno dahil sa huling nangyari. We can play but hell! We don't wanna risk it.
Nasa kanang kamay ko ang tumbler at marahang tinatapik iyon sa hita ko habang nag hu-hum ng kanta. Tumawid ako sa bridge na nag dudugtong sa building namin at ng Juniors. Dito sa water fountain sa building nila ako kukuha. Sira kasi ang nasa amin.
Luminga ako sa hallway. Mahirap na, baka makita ako ni granny. Baka tuluyan nang pumuti ang buhok no'n. Pero ayos nga yon, eh! Effortless bleached, she should thank me!
Bumaba ako ng isang floor. Nilapag ko ang tumbler sa fountain at inapakan ang ilalim nito.
Lumaylay ang balikat ko ng makita ang daloy ng tubig. Ano ba 'to? Mas malakas pa yata ang tulo ng laway ni Maverick, eh!
Tumingin ako sa paligid. I'm looking out for granny. Lakas ng pakiramdam no'n dahil sa t'wing dadaan kami dito ay lagi niya kaming na tityempuhan at ipapaguidance pa daw kami. Galit kasi lagi 'yon pag may nakikitang Seniors na dumadaan sa building nila. Bawal daw kasi kaming dumaan dahil strictly Juniors only sa kanila. Edi sainyo na 'yang building niyo. Kala mo siya may-ari, eh!
Wala si granny ngunit may ibang nakapukaw sa paningin ko. Sa gitna ng hallway ay nakapalibot ang mabibilang na babae at lalaki. Nakita ko sa gitna nila ang nakaupong batang babae.
Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang tumbler at ininom ang tubig na kalahati palang ang laman. Nilapag ko uli ito para masalinan.
Tinignan kong muli ang gitna. Nagkakantyawan ang mga estudyante. I shook my head. Mga bully na isip bata. Hinayaan ko sila dahil mga bata ang mga iyon.
Ang isang babae ay nakita kong binuhusan ng mineral water ang nakaupo. Nagulat ako.
"Buti nga 'yan sa'yo! Sinaktan ng Kuya mo ang Ate ko." Matinis na boses ang narinig ko. "At ikaw naman... You're a loser, tignan mo nga ang itsura mo... Iww!" Hinulog niya ang bote ng tubig at tumama ito sa ulo ng babae.
Uh-oh that's bad.
Narinig ko ang mahinang iyak ng batang babae. Tinakpan ko ang tumbler at dumiretso sa pwesto nila.
"Hey kiddos! Anong meron dyan?" I asked curiously.
Nawatak ang pagkakapalibot nila at bumungad sa'kin ang naka eye glasses pero maganda at maamong mukha ng babae. Basa ang ilang bahagi ng uniform niya at buhok.
"U-Uh wala po!" Tarantang sagot ng babaeng nagtapon ng tubig.
I glared at her. "Sinong magulang mo? Kulang ka yata sa aruga."
"Wala naman po kaming ginagawa! Kasalanan niya 'yon!" She used that earbreaking tone again as she pointed the girl.
"Shh.. Tumahimik ka. Ang sakit sa tenga ng boses mo, nakakairita."
Dumaan ako sa gitna nila at tinulungang tumayo ang babae. Pumwesto ako sa gilid niya at hinarap ko siya sa mga nambubully.
"Say sorry to her." Mariin kong sabi.