Ballpen at Kuwaderno

3 0 0
                                    

"BALLPEN AT KUWADERNO"
By:LoveUUUnot

Kay bilis ng panahon at sa sekondarya'y tumuloy.
Bagamat nasa gitna pa lamang ang pagtupad sa mga pangarap ay magpapatuloy.
Bagong mga kaklase at kaibigan ay makikilala.
Mga bagong guro sa paglipas ay makakasalamuha.

Ang high school daw ang isa sa pinakamasayang yugto.
Kahit na sa paggawa ng mga assignment at project, mga mata'y namumugto.
Mahirap, nakakapagod at dadating yung panahon ng pagsuko.
Dagdagan pa ng mga kabiguan na sa luha mo'y magpapatulo.

Salamat sa mga kaibigan na laging nandiyan sa tabi ko'y nakatayo.
Tutulungan at pasisiyahin ka sa lahat ng oras.
Babangon at tatayo mula sa pagkakalugmok.
Patuloy na mangangarap at magsisikap mga pangarap lamang ay mabuo

Sa bawat paghakbang sa bahagdan ay tungo sa inaasam na pangarap,
Hindi malabong matupad sa pagbuhos ng dugo't pawis at pagsusumikap.
Balang araw ang pamilya ko'y ginhawa'y kanilang malalanghap.
Sabay lilipad sa mga alapaap at hindi na muling ipararanas sa kanila ang hirap.

.................................................

Please Vote and Comment

.................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon