kaibigan lang pala

186 21 1
                                    

"KAIBIGAN LANG PALA!"
By:LoveUUUnot

Sa iyong mga tingin ako'y nadadala
Sa mga matatamis na salita mo'y laging kong ikinatutuwa
Laging kang nandiyan araw may mawala
Hanggang hatinggabi tayo'y magkasama, walang kasawa sawa

Kasama kita sa hirap at ginhawa
Sa mga luhang panyo mo'y pinangpunas sa aking mukha
Sa aking mga pagiyak at pagtawa'y hindi ka nagsawa
Kaibigan nga kitang tunay sana'y di ka mawala

Mula bata hanggang magdalaga't magbinata
Sa mga tingin at haplos mo'y ramdam ko ang pagaalaga
Hanggang ang puso'y tumibok at gusto nang kumawala
Kaibigan, ako na yata'y nahulog sayo ng bigla

Nararapat bang siya'y ibigin?
Naguguluhan ang isip ngunit hindi ang damdamin
Puso'y iyong sundin
'Wag ang isip na ibig ka lamang lituhin

Huwag ikulong ang takbo ng nararamdaman
Ang mahal mo'y dapat mong ipaglaban at hindi dapat talikuran
Ang magmahal ng kaibigan ay hindi isang kasalanan
Itatak sa puso at laging pakatandaan

Isa, dalawa, tatlo mahal kita aking kaibigan
Nararamdama'y sa wakas ipinagkalandakan
Tinik sa wakas ay naalis sa lalamunan
Isip at puso sa huli'y nagkaintindihan

Sagot niya'y aking hinihintay
Paa ma'y magsimulang mangala'y
Ngunit hindi ang puso na lahat handang ialay
Araw man o gabi'y handang maglamay

Pasensya na may mahal na akong iba
Sa mata'y nagbasakan ang luha
Sakit ay muling nabuhay ng bigla
Mga paghihirap ay napunta rin sa wala
Kung ma'y mahal na siya'y wala na akong magagawa

Ang mahal mo' kaibigan lang ang turing sayo
Ang sakit pakinggan, ang sakit maramdaman
Takbo ng puso'y hindi maintindihan
Lagi nalang bang masasaktan?
Kasiyahan ba'y kailan mararamdaman?
Pagkabigo ba'y laging dala magpakailanman?


............................................

Please Vote and Comment

...........................................






Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon