Spring

114 20 0
                                    

SPRING
By: LoveUUUnot

Muling nagbago ang panahon
Muling natapos ang kahapon
Muli kang bumangon
At harapin ang bukas na puno ng hamon

Ang mga puno't halama'y nagpapalitan
Habang ang mga ibo'y nagaawitan
O kay asul ng kalangitan
O kay lamig ng hanging amihan

Kay saya ng kapaligiran
Ikaw na lang ang nababalot sa kalungkutan
Napakasaya ng mundo
Saya at hindi lungkot ang hanapin mo

Kung hindi mo kaya, mapagiiwanan ka
Kung hindi mo kaya, hindi ka sasaya
Subukan mong lasapin ang mundo
Ang saya ay mapapasaiyo, hahanap-hanapin mo

Panahon na ng paglimot
Sa mga ala-alang kay lungkot
Pait ay nanunuuot
Sa sakit ay bumabaluktot

Ilabas ang sarili sa kadiliman
Ang liwanag sa iyo'y sumasandigan
Hawakan mo ang iyong sarili
Kontrolin mo ito at pakiramda'y huwag hayaang mamili

Alam mo kung saan ka sasaya
Alam mo kung saan ka lulungkot
Tandaan mo maraming rason para sumaya ng walang takot
Ngunit iisa lamang ang dahilan kung bakit ka nalulungkot

Buksan ang sarili sa hinaharap
Humayo ka't sa saya'y mangalap
Maganda ang mundo
Siguradong mamahalin mo

Hindi lang iisa ang saya sa mundo
Madami sila
Hindi lang iisa ang ganda sa mundo
Madami sila, mamili ka

.................................................

Please Vote and Comment

....................…..........................



Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon