'Di Pasisiil

47 4 0
                                    

"'DI PASISIIL"
By: LoveUUUnot

Crispin, Basilio! Mga anak ko!
Nasa'n na kayo!? Nasaan nakayo!?
Sigaw ng isang inang umiiyak at nagsusumamo.
Crispin, Basilio! Katinua'y tinatakasan na ako.

Sige Sisa! Humayo ka
Hanapin mo sila
Ngunit umilag ka, iyong ilagan ang bala
Marami na silang buhay na nasupil kaya tama na.

Ituloy mo ang iyong lakad
Pakinggan ang mga panaghoy, anong isinasaad!?
Madaming tao ang patuloy na nakakulong, sa kahirapa'y nakasadsad
Masdan ang kanilang kamay, dugo ang nasa kanilang palad.

Sisa, umiwas ka't magtago
Mga bala at bomba pawang sayo'y nanunuyo
Sa lakas ng pagsabog lahat ay yumuyuko
'Wag ka lumabas, si kamatayan ay nanunundo.

Ganap na nga ba tayong malaya?
Kung mga tao'y pumapatay kapwa sa kapwa
Babae, lalaki, mantanda o bata
Pare-parehong biktima ng maling akala.

Ilang dugo pa ba ang sa balat ay magmamantsya?
Ilang buhay pa ba ang magbubuwis para sa kalayaang ipinagkakait ng iba!?
Ilang kutsilyo pa ba ang susugat sa markang naghilom na?
Ilang tao pa ba ang magsisilbing bangungot sa mga taong nagaakalang sila'y malaya na?

Imulat mo na ang iyong mata upang mundo'y iyong makita
Bonifacio at Rizal, buhay kapalit ng kalayaang hinangad nila
Panahon na naman na ang rehas ay muling hinuhulma
Mahigit pitong libong isla'y aangkinin na naman ba?

Rizal na may akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Patunay na pwedeng maging sandata ang iyong salita at talino
Lapis at papel, minsan nang umubra
Ikaw at ako pwede rin maging tulad niya.

Bonifacio na nagtatag ng Katipunan
Katipunan ng mga pusong palaban
Isang lihim na lipunan na nakikipaglaban
Sa mga espanyol na gusto tayong pagharian.

Emilio Aguinaldo nanguna sa Rebolusyong Pilipino
Laban sa espanya at digmaang espanyol-amerikano
Maging sa digmaang pilipino-amerikano
Gamit ang kanyang tapang siya nga'y tunay na pinuno.

Apolinario Mabini, utak ng katipunan siya'y kinilala
Isang paralitikong dakila
Isa sa mga bumuhay ng La liga Filipina
Na siyang nagbigay suporta sa kilusang reporma.

Juan luna, isang pintor na dakila
Spoliarium ang kanyang linikha
Francisco Balagtas na isang makata
Florante at Laura ang kanyang akda.

Hala, Sisa! Nasaan ka na?
Isa kang inang dakila tulad nila
Halika sa iyong mga anak, naroon sila
Yakapin at hagkan mo sila kapag sila'y nahanap mo na.

Nakahiga ang dalawa sa daan
Puno ng sugat ng pagpapahirap at dugo ng kasuklaman
Nakatali ang mga kamay, pinagkaitan ng kalayaan
May busal ang bibig, upang itago ang katotohanan
Katotohanan na sila'y hindi nanlaban at napagbintangan lamang.

6-12-18



...................................................

Please Vote and Comment

..................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon