Summer

108 20 0
                                    

"SUMMER"
By: LoveUUUnot

Ang sarap magmahal ng lubos
Pawang ligaya'y hindi mauubos
Ikaw ang buhay ko
Kung wala ka wala na din ako

Wala ang bukas kung wala ka
Dahil ikaw ang aking gabi at umaga
Sa katawan mo'y ramdam ko ang init
Pakiusap 'wag kang bumitaw manatili kang nakakapit

Mga ngiti mong nakakahalina
Mas lumilitaw ang iyong ganda
Parang bulaklak na talaga namang nakakahalina
Namumukod tangi ang ganda sa panangin kong sumasamba

Ang iyong buhok na pinalilipad ng hangin
Ang angking ganda ay pilit kang bibihagin
Lahat ng tao'y sinasabing pumunta ka sa akin
Hahamakin ang lahat upang ika'y maangkin

Ngunit sa mga mata niyang mahinhin
Na nagsasabing 'wag mo akong lilinlangin
Pilit mo man siyang kuhanin
Iyong tandaan mayroon siyang damdamin na hindi mo maaring angkinin

Malagkit ang tingin ng iba
Sa babaeng may taglay na kakaibang ganda
Ngunit siya'y mailap na parang isang ibong Adarna
Maganda, nakakahalina pero mahirap makuha

Ako ang lalaking may lihim na pagtingin sa iyo
Magmula ng nakita ka'y nabihag ako
Pagtibok ng puso'y muling nanuot
Biglang sumulpot na parang multong nakakakilabot

Ang mga nakaw na tingin
Sayo'y nagpapasaya sa akin
Sa gabi'y lalabas kahit malamig ang hangin
Makita lang ang bituin, panalangin sana'y dinggin

Isang araw, parang pasko ang dumating
Tumabi siya sa aking upuan
Na parang isang kuting na naglalambing
Puso'y muling tumibok, sa pakakatao'y humahambing



....…….........................................

Please Vote and Comment

...................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon