"SIYANG ISINILANG"
By:LoveUUUnotIsang iyak ang hudyat ng pagbuhay.
Sa batang siyam na buwang hirap ang inalay.
Pagod at sakripisyo, nabuhay ng walang hayahay.
Pagsipa'y katumbas ng tuwa, na pawang isang pagkaway.Sa mga haplos sa tiyan ang siyang paghele.
Sa na tutulog na bata'y hindi inda kahit torete.
Biyaya ng may-kapal kung ituring dulot daw ay swerte.
Sa kauna-unahang anak bakit hindi nga ba makampante?Sa nalalapit na pagsilang ay panibagong hirap ang isinigaw.
Mahigpit ang hawak, mga bewang at binti'y pawang sumasayaw,
Mailabas lamang ang batang binuo sa pagmamahal, hindi aatras, hindi aayaw.
Ang pagsapit ay naisakatuparan kasabay ng pag-usbong ng panibagong araw.Kalong sa bisig ng inang purong pagmamahal ang pinadarama.
Sa bawat pag-iyak isang pag-ugoy ang pag-inda.
At sa gabi'y napupuyat sa walang humpa'y na pag-aalaga,
Ngunit napapawi sa mga ngiti at pagtawa na kanilang ikinatutuwa.Ang batang pinalaki sa pagmamahal at pag-aaruga.
Lalaki na isang mabuting tao na hindi naman maikakaila.
Bukas ang puso, sa kamay ng Diyos ang pagpapala.
Pagmamahal sa magulang at sa Diyos kailanma'y hindi mawawala..................................................
Please Vote and Comment
.................................................
BINABASA MO ANG
Sa Mata Ng Mga Sawi
Poesía••• Ikaw ba'y nasaktan na?! Umiyak ng sobra?! Umaasa sa taong wagas magpaasa?! Sa taong minahal mo na nga, Pero sinaktan ka pa?! Kung OO ang sagot mo, ano pa ang hinihintay mo? Basahin mo na ang Sa Mata Ng Mga Sawi. Kung saan ang pag-ibig ay hindi n...