Hiram na Biyaya

31 4 0
                                    

"HIRAM NA BIYAYA"
By:LoveUUUnot

Dapit-hapon nang bunga'y nagbagong kula'y at nahinog.
Alaga sa tanaw at dilig upang lumusog,
Upang lumaki, lumago at maging maisog.
Sa anumang hamon ay hindi papanaog.

Hindi mawari ang sinasabi ng panaginip.
Isang bata ang isinilang at ngayo'y naiidlip.
Aking nakita ang pagkubli ng bunga at pinakahihintay nitong pagsilip.
Pag-iyak ng munting bunga'y ngiti ang gumuhit sa inang saya ang kalakip.

Paghele at mga haplos ang isang mahikang sa bunga'y nagpahimbing.
Mga munting paggalaw at pag-ingit ay walang maihahambing.
Init ng yakap ang pumapawi sa antok at pagod ng isang inang naglalambing.
At nang bumukas ang mga mata'y gatas ang kapiling.

Kay ligaya ng pakiramdam, marinig lamang ang munting pagtawa.
Sa ugoy ng duyan ay nagtatagpo ang mga mata,
Kasabay ang mga pangarap na binubuo nang kasama siya.
Hindi na makapaghintay sa bibigkasing tula at lalakarang parada.

Ngunit nang lumaon, bunga ay nalanta at muling kinuha ng may likha.
Umaagos ang sandamakmak na luha.
Ang kalungkutan ay sumibol at hinagpis ay nagmistulang lawa.
Masakit mawalan lalo na sa inang anak ay mawala.

.................................................

Please Vote and Comment

................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon