SWP: Crush

84 7 0
                                    

"CRUSH"
By:LoveUUUnot

Nakakainis ka!

Nakakabuwisit ka!

Nakakabanas na!

Alam mo bang ilang gabi na akong hindi makatulog sa kakapantasya sayo?

Alam mo bang hindi ako makapag-pokus sa assignments ko sa kakaisip sayo

Alam mo bang patay na patay ako sayo

Pero alam mo din bang ikaw lang ang bumubuhay sa mundo ko

Ikaw na siyang sentro ng buhay ko

Taong naging kulay ng lahat ng bagay sa paligid ko

Taong naging buhay ng mundo ko

Taong naging bida sa mga panaginip ko

Taong naging laman ng mga pantasya ko

Taong iniimagine ko sa tuwing yayakapin ko ang unan ko

Taong tinitilian ko dahilan para mapaos ako

Alam mo bang mula sa pagtulog hanggang sa paggising ko ikaw pa rin ang laman ng isip at tinatakbo ng puso ko

Minahal kita ng higit sa inaakala ng iba

Hindi mo ba alam na lagi akong nakasubaybay sayo sa tuwing may performance ka

Hindi mo ba ako nakikita?

Palibhasa'y isa lang ako sa daan daang tao na nanonood sa sayo sa tuwing sasayaw ka

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon