Bilang

117 21 0
                                    

"Bilang"
By: LoveUUUnot

Sigurado ako marunong kang magbilang
Nabilang mo na ba kung ilang beses ka nasaktan?
Nabilang mo na ba kung ilang beses ka naiwan?
Nabilang mo na ba kung ilang beses ka umasa't umiyak na walang makakapitan?


Umiyak, tumawa, umiyak, tumawa
Pagibig ay nakakabaliw nga talaga
Ang sakit ay pumapahid
Ang sakit ay pilit kang pinamamanhid

Wala ka ng nararamdaman
Kundi ang sakit sa kabiguan
Wala ka ng iniisip
Kundi ang sakit sa iyong katangahan

Binigyan mo ako ng masayang alaala
Pero ngayong tayo'y wala na
Pilit iniisip ang masasayang alaala
Pero sa tuwing iisipin hindi ako sumasaya dahil ang sakit pala ng sobra

Relasyo'y pilit pinaglaban
Kahit na ang pagkatao'y natatapakan
Pero bakit sa una palang agad mo nang sinukuan
Kung alam ko lang noong una hindi na sana kita pinaglaban pa

......…..............................................

Please Vote And Comment

......................................................








Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon