Wikapangyarihan

7 0 0
                                    

"WIKAPANGYARIHAN"
By:LoveUUUnot

Wika, wika, paano ka ginawa?
Ako wari'y sayo'y nagsimulang magsimula.
Sa bawat kumpas ng iyong dila ako'y nagagawa.
Sa puso at sa isip, silang nagsasalita.

Sa mga salita, ang daigdig ay nagmula.
Nabuhay ang tao sa kanyang wika at ang wika ay nabuhay sa tao.
Komunikasyon sa sarili, sa Diyos at sa kapwa,
Ang tanging kasangkapan upang sarili'y mabuo.

Paano ang buhay kung wala ang wika?
Nagmistulang isang ibon, pakpak ay nawala.
Hindi makalipad, hindi makapaglaro,
Hindi makataas, hindi makalipad palayo.

Ang tao ang papatay sa kanyang sariling wika.
Kung hindi wikain, tuluyang siyang mawawala.
Paano na kaya kapag tayo'y nandayuhan sa sariling bansa?
Salat na nga sa pag-unlad, kapos pa sa salita.

Huwag kang nagnakaw ng 'di mo wika.
Baka sarili mong wika'y mapanis, magmukha kang kaawa-awa.
Gamitin ang sa iyo upang nagkaroon ka ng diwa,
At nang hindi matawag na malansang isda.

Tumayo ka sa sariling mong paa upang umunlad.
Gaano man kataas ang iyong lipad,
Hindi ka rin makakalayo't kung sa sarili mo'y ikaw ay huwad.
Hindi marunong kumilala sa lupa kungsaan paa mo'y unang sumayad.

Mas mabuting pang ituring ang sarili mong patay,
Kung sariling wika ay isinuka at iba ang sinusuklay.
Isang araw sana'y hindi ka maligaw,
At ang araw sa silangan ay sayo'y 'di na muling lumitaw.

Ang wika ang susi sa pagkakaintindihan,
At pagkakaintindihan ang susi ng pagmamahalan.
Pagmamahalan ng mga mamamayan na ang wikang gamit ang pagkakakilalan.
Pagkakakilalan, pagkakaintindihan at pagmamahalan na susi sa kaunlaran.

Wikang pambansa ay mahalaga na parang isang ginto na dapat pahalagahan at pagyamanin.
Ito ang pagkakakilanlan ng isang bansa, isang komunidad, at sa dakong sa akin.
Bago ang ibang wika, sarili munang wika'y kilalanin.
Sabi nga ng isang bayaning nagngangalang Dr.Jose Rizal; "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda."

Wika, wika, paano ka ginawa?
Sa sarili kong wika ako'y magsisimula.

.................................................

Please Vote and Comment

.................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon