Paang Ligaw

42 6 0
                                    

"PAANG LIGAW"
By: LoveUUUnot

Namatay sa kalabit ng gatilyong sumuka ng balang siyang kumitil ng buhay.
Ako ang naging bunga sa sakripisyong dugo ang kumulay.
Hindi kailanman inisip mapilay ang isang paa't ibaon sa hukay.
Paghihirap ay parang binhing itinanim, inalagaan at ngayon ay inaani ang gintong palay.

Wika ang naging punyal ng katapangan at himagsikan.
Na sa papel na winika ng tinta ang ipinanglaban.
Hindi man malakas ay sa mga letra ipinakita ang katanyagan.
Katanyagan ng wika na hinukay mula sa pawis at dugo ng mga bayaning ngayon ay nagsisilbing isang kayamanan.

Kayamanan pa nga bang maituturing ang wika?
O isa na lamang itong lumang barya na minsa'y ginamit ngunit ngayo'y wala nang halaga.
May paninindigan pa nga ba sa bawat salitang sinasalita?
May puso pa nga ba sa bawat pagkumpas ng bibig na dapat ay isinapuso't binibigyang halaga?

Sa panahong bukas na ang mundo sa makabagong kaalaman.
Hinayaang makapasok impluwensya ng mga dayuhan.
Tinangkilik at minahal, mga sayaw at musika kahit hindi naman maintindihan.
Binibigkas ibang wika na kung susumahin ay mali-mali naman.

Nasaan na ang wikang nagbigay sa'tin ng kasarinlan.
Naglakad ang batang Rizal at hinanap ang wika kahitsaan.
Lespu at ermat, kanyang narinig sa langsangan kungsaan siya napadaan.
Masherep sabi ng babaeng kolehiyalang parang si Maria Clarang nahubaran.

Parang sasabog ang ulo sa bawat salitang naririnig.
Hindi mawari sa isip kung siya ba'y napadpad sa ibang daigdig.
Shupatembang! Mula sa krus na tagilid.
Kay bahong salita na mas masahol pa sa malansang isda at mabahong bibig.

Siya'y tumingala sa mga nagtataasang gusali.
Sinikap na umakyat sa pag-asang mga bituin ay kanyang mapipili.
Muli, pumasok sa pandinig mga salitang sa kanya'y nagpadismaya.
Kung mayroon lang lapis at papel ay doon na lamang siya luluha.

Maipahatid lang sa mga tao na ang mga sakripisyo nga ba'y balewala.
Nais muling sulatin mga akdang kumalaban sa mga banyaga.
Ngunit walang ibang kalaban kundi ikaw, tayo, silang hindi marunong nagmahal sa sariling wika.
Na sa lupang sinilangan siya'y naligaw at naging dayuhan sa wikang kanyang sinasalita.

Nakalulungkot isipin na kay hirap nang hanapin mga salitang kay lalim.
Ang masayang gunita sa nakaraan ay naging isang malungkot na pag-alaala.
Kailan ba muling maririnig ang mga salitang patula kung bigkasin?
O mas mabuting bumalik nalang sa hukay kaysa umasa sa wala.


.................................................

Please Vote and Comment

.................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon