Hindi Lahat

108 14 0
                                    

"HINDI LAHAT"
By:LoveUUUnot

Hindi lahat ng masaya ay mananatiling masaya
Dahil baliw ang mundo kung puro lang ligaya
Hindi ibig sabihin na pagaari mo ay hindi na pwedeng agawin ng iba
Dahil ang mga magnanakaw ay nagkalat sa mundo at nasa tabi lang sila baka malay mo nasa harap mo lang pala

Hindi lahat ng maganda ay mananatiling maganda
Dahil hindi makikita ang ganda kung walang pangit sa tabi niya
Hindi lahat nasa itaas ay mananatiling nasa itaas
Dahil mayroong dinadapuan ng swerte at mayroon ding dinadapuan ng malas

Hindi lahat ng bagay may katumbas na halaga
Dahil hindi lahat ng bagay nabibili ng pera
Hindi lahat ng bago ay mananatiling bago
Dahil may mga bagay na kahit bago ay hinahanapan pa rin ng panibago

Hindi lahat ng panalo ay mananatiling panalo
Dahil hindi maituturing na panalo ang isang bagay kung kahit minsan hindi pa ito nakaranas ng pagkatalo
Hindi lahat ng pangarap maaring matupad
Mayroong pangarap na mabilis at mayroon din namang makupad

Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo
Hindi lahat nakukuha mo ay gusto mo
Minsan ang iisa ay nagiging dalawa
Minsan ang dalawa ay nagiging isa

Hindi lahat ng pangarap ay natutupad
Kaya huwag mo idaan sa pangarap ang lahat
Dahil mayroong mga bagay na pwede at may mga bagay na hindi pwede mangyari
Mahirap mangisipin pero yan ang madalas na nangyayari

Hindi lahat ng kasinungalingan ay mananatiling kasinungalingan
Dahil may mga bagay na kusang dumadating at yun ay katotohanan
Hindi lahat ay bumabalik kapag ito'y pinakawalan
Dahil may mga bagay na pinaglalaban at mayroon din namang sinusukuan

May mga bagay na nawawala at mayroon din namang nagpapatuloy
Mayroong mga bagay na tumitigil at mayroon din namang napapatiagos sa daloy
May mga bagay na lumulubog at mayroon ding umaahon
May mga bagay nagumpisa lang kahapon ngunit madali ding naglaon

...................................................

Please Vote And Comment

....…..…........…............................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon