Realismo

31 5 0
                                    

"REALISMO"
By: LoveUUUnot

Isang pagsulyap ang gumising sa huwad na kamalayan.
Sa paggunita'y hindi kumukupas ang mga alaala ng nakaraan.
Sa nakaraan tayo nabuhay at tayo muli ang bubuhay sa nakaraang nagdaan.
Hindi mapigilan ang matang baybayin ang mga obrang nagpabugso sa damdaming makabayan.
Na sa bawat larawan ng mga kulay ang siyang nagsilbing bibig sa mga taong tikom sa katotohanan.
O kahanga-hangang pagmasdan, mga pintang kamay ang naging sandata.
Nakapikit ang mga matang naging saksi sa malupit na pagpapahirap at pang-aalipin ng mga tulang banyaga.
Buhay na buhay.
Mga pulang kulay na nagsilbing dugo ng mga taong salat sa kalayaan.
Kalayaang pinaglaban na ngayo'y sa mga larawang ito masasaksihan.

.................................................

Please Vote and Comment

.................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon