Basketball

117 20 0
                                    

"BASKETBALL"
By: LoveUUUnot

Wagas kung paano mo ipaglaban ang bola
Ako ba kahit minsan pinaglaban mo na
Effort ka sa katatakbo
Ako ba kahit minsan hinabol mo kapag ako'y nagtatampo

Mas marami pang oras na kasama mo ang bola
Kaysa sa girlfriend mo na naghihintay sayo mula umaga
Nauunawaan at iniintindi kita
Na kahit minsan nakakasawa na

Tagaktak na pawis ang binubuhos mo
Luha ang sa akin
Maka-shoot ng bola ang katuwaan mo
Mahalin mo lang ako okay na sa akin

Sinusuportahan kita sa lahat ng iyong laban
Kahit na sa'kin oras ay hindi mo pinaglalaanan
Nauunawaan kita
Wala naman akong choice kundi ang intindihin ka

Sa isang laro may mga bagay na tinatanggap
Dahil hindi habambuhay kaya mong magpanggap
Madaling manalo
Mahirap matalo
At kung anuman ang kahihinatnan mo
Dapat ito'y tanggapin mo
Ika'y nadapa para bumangon
Ika'y natalo para manalo
Yan ang laro ng buhay tanggapin mo

..................................................

Please Vote and Comment

.................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon