Hugot

131 19 0
                                    

"HUGOT"
By: LoveUUUnot

Hugot dito, hugot doon
Hugot kahit saan ka lumingon
Sa sakit ay hindi makaahon
Sa kahapo'y hindi maka-move on

Ipinakita ang pait na dinanas
Ipinamukha na sa pagibig ika'y napakamalas
Ipinaramdam ang sakit ng kahapo'y pinaranas
Paano makakaahon? Paano makakalagpas?

Sakit dito, hapdi doon
Sakit at hapdi kahit saan ka lumingon
Nakakasawa na, pagod na ang mga salita
Ako lang din ang nasasakatan sa mga salitang linuluwa

Pinatama mo sa kanya ngunit manhid siya
Siya'y nakalimot na't nasa piling na ng iba
Para saan pa ang mga hugot at patama
Kung siya'y masaya at ako'y nagdudusa sa sarili kong salita

Tama na ang mga hugot
Wala itong magandang naidudulot
Pinakikita mo lang na ikaw ay bigo
At habambuhay magiging bigo
Na parang isang ampalaya na kay pait
At habambuhay magiging mapait

Lahat ng tao'y binigyan ng pagibig
Walang tao na kahit kailan hindi umibig
Walang tao na kahit kaila'y hindi nasaktan
Walang tao na hindi natuto sa mga kamalian

Lahat tayo'y magmahalan
Dahil sa pagibig nabuo ang buong sandaigdigan
Nasaktan ka man mararanasan mo din ang saya
Nabigo ka man mararanasan mo din ang ligaya
Maghintay ka lamang at darating siya
May pag-ibig na dadating sayo at saluhin mo siya
Dahil malamang pareho kayong nalaglag noon una
At kayo'y pinagtagpo upang magkasama
Ibang klase talaga ang tadhana
Misang nandadaya pero kadalasan tama

.................................................

Please Vote and Comment

................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon