Bagyo

96 20 0
                                    

"BAGYO"
By:LoveUUUnot

Malakas ang hampas ng hangin
Sana malakas din ang pagmamahal mo sa akin
Malakas ang buhos ng ulan
Sana malakas din ang buhos ng ating pagmamahalan

Tangayin ka man ng hangin
Sana'y hindi ka magpapaangkin
Iwasiwas ka man ng hangin sa kanan o kaliwa
Kung saang direksyon ka man mapunta, sana alam mo na akin ka

Puno'y pilit tinatangay ng bagyo
Parang pagibig ko, nasasaktan ma'y nakakapit pa rin sayo
Mawala man ang lahat ng bagay na mayroon ako
Basta't wag ka lang mawala sa piling ko

Magkasama tayo sa gitna ng unos
Ganyan ang nagmamahal ng lubos
Humihina pero hindi nauubos
Hindi tulad ng kandila matatag pero na uupos

Malupit ang bagyo
Kaya nitong sirain ang kahit ano
Ngunit hindi ang pagibig ko sayo
Hindi magbabago, hindi maglalaho

Matibay ang isang relasyon
Kung kayo'y magkasama anuman ang panahon
Ang pagibig magkasama sa hirap at ginhawa
Sa kalungkutan at ligaya

Ang pagibig ay handang suungin ang kahit ano
Mahina o malakas man ang bagyo
Yan ang pag-ibig na hindi matitibag ng kahit sino
Kung mahal mo mahal mo, handa kang tanggapin anuman ang mangyari sayo

Mawala ka ma'y nandito ako na hahanap sayo
Malalag ka man nandito ako't sasalo sa'yo
Bumitaw ka ma'y nandito ako't kakapit sayo
Umalis ka ma'y asahan mong ako'y susunod sayo

Bago, habang at pagkatapos ng bagyo
Tayo'y mananatiling tayo
Walang magiiba, walang magbabago
Ikaw pa rin ang para sa'kin, ako pa rin ang para sayo

Ang pagsubok ay hinaharap, hindi tinatakbuhan
Ang bagyo ay kusang dadaan, aalis at muling dadaan
Tila sinusubok ang tibay ng isang samahan
Lahat ay naaapektuhan walang sinuman ang linalampasan
Ngunit ang mahalaga, nananatili pa ring magkasama at kailan ma'y hindi mauuwi sa hiwalayan

.................................................

Please Vote and Comment

................................................






Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon