SWP: Dear Ex

65 7 0
                                    

"DEAR EX"
By:LoveUUUnot

Kumusta ka na!?

Ang tagal na natin hindi nagkita
Kasing tagal ng nararamdaman kong sakit,
kirot,
At pagdurusa.

Okay ka lang ba?
O mas magandang itanong naka-move on ka na ba?

Kahit hindi mo sagutin, kita ko naman na naka-limot ka na
Actually pagkatapos ko meron ka ng kasamang iba hindi tulad ko na hanggang ngayon nagiisa.

Walang kasama maliban sa mga bahid ng alaalang paulit-ulit na pinahihirapan ang puso kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka.

Maging ako tinatanong ko ang sarili ko, kamusta na ba'ko?

Sinungaling ako kung sasabihin kong OO..... Okay lang ako!

Okay lang ako na naghiwalay tayo kahit masakit sa loob ko, kahit na ayoko.

Okay lang ako na siya at hindi ako ang pinili mo.

Okay lang ako kahit pinagpalit mo'ko.

Na yung dating TAYO ay nauwi na lamang sa mga katagang IKAW at AKO.

Ikaw yung kaisa-isang tao na gusto kong makita sa pagmulat ng aking mga mata,

At sa gabi, sa pagtulog ko'y ikaw yung tanging tao na gusto kong huling makasama.

Naaalala mo pa ba? Yung mga panahon na ako ang nagsilbing panyo na tagasalo ng mga luha mo,

Sa tuwing may problema, ako lagi yung nasa tabi mo,

Karamay mo,

Kasama mo noong mga araw na nababalot ng kadiliman, poot at hinagpis ang puso mo,

Hindi ako nawala sa tabi mo noong mga araw na namamayani ang lungkot hanggang sa maghari ang saya sa buhay mo,

Naging masaya tayo.

Naging masaya ba tayo?

O masyado lang akong nagpabulag sa pagaakalang sa'kin ang pagmamahal mo.

Saan ako nagkulang?

Saan ako nagkamali?

Bakit sa puso mo'y hindi ako ang iyong pinili?

Kulang pa ba ang pagmamahal na binibigay ko o hindi lang talaga matibay ang pagmamahal mo sa'kin kaya ka nagpadaig sa tukso.

Dumaan yung mga araw na mas pinipili ko na lang magpakamanhid,
Dinadaya ang nararamdaman kahit paulit-ulit ng nasasaktan.

Dumaan yung mga araw na yung init ay unti-unti nang binabalot ng lamig kasabay ng unti-unting paglalaho ng binuong pag-ibig.

Mahal pa kita pero anong magagawa ko kung ayaw mo na.

Ibibigay na kita,

Palalayain na kita kahit ako nalang, ako nalang ang mag-isa.

Ako, ako na tanga.

Ako na nagpakatanga at nananatiling nagpapakatanga.

Ako yung tao na minamahal pa ang isang taong may mahal ng iba.

Ako yung tanga na patuloy na umaasa sa taong masaya na sa piling ng iba,

At sa tuwing nakikita kitang masaya parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko lalo na kapag nakikita kitang masaya kasama yung bago mo matapos mo akong ginago.

Sobrang kirot,

Sobrang hapdi,

Sobrang sakit.

Ito yung uri ng sugat na hindi natatapos ang sakit.

Buti ka pa, nabubuhay sa mundo ng may saya.

Samantalang ako'y nakakulog sa nagdirimdim na sakit sa labi...

Na sa tuwing bubuhos ang luha'y naghahalo ang alat at pait.

Totoo nga ang sabi nila, mahirap maging tanga, nakakasawa na
Marami na akong luhang nasayang, tama na.

Hindi ko na kayang mabuhay sa mundong puro pagdurusa.

Ito yung araw na kalilimutan na kita, huling araw ng kalungkutan,

Nalalabing araw ng mga luhang nasayang dahil parating na ang panahon ng paglimot at paghihilom.

Panahon na para mapasakin ang karapatan kong maging masaya.

Ikaw, salamat sayo dahil ginawa mo akong maging matalino.

Salamat sayo dahil ngayo'y natuto na'ko.

Na may tamang taong nakalaan para sa'kin at para sayo,

Na ang sakit ay magbubunga ng mas masayang pag-ibig na mas higit sa mga panahong naging tayo.

.......................................................

Please Vote and Comment

.......................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon