Noong Una

95 20 0
                                    

"NOONG UNA"
By: LoveUUUnot

Break na tayo
Yan ang sinabi mo noong tayo'y nagkalayo
Walang buto ang mga salitang sinabi mo
Pero nasaktan at nabarag nito ng sobra ang puso ko

Masaya noong una
Ngunit sa huli'y nagtapos din sa wala
Pinahalagahan ka noong una pero ngayo'y binalewala
Pinupuri ka noong una ngunit ngayo'y pinahiya

Pagibig ang puhunan ngunit umuwing luhaan
Pagibig ang inalay ngunit sakit ang sumilay
Pagibig ang ginawang sandigan ngunit natapos ang lahat ng hindi man lang ipinaglaban
Pagibig ang idinantay at sa huli di'y naghiwalay

Isinigaw ang sakit pero sakit din ang bumalik
Mas mabutipa'y manatili na lang nakaimik
Walang sakit kung sa hangin ka hahalik
Kung hindi ka magmamahal walang sakit na babalik

Ngunit ang buhay ay isang mahabang makikipagsapalaran
Paano mo matitikman kung hindi mo susubukan?
Paano ka mananalo kung hindi ka lalaban?
Ginawa ko na ang lahat ng iyan pero sa huli umuwi lang ulit ng luhaan

Ang takot ay hindi pagkaduwag
Ang tapang ay hindi isang pagmamayabang
Ang saya ay hindi isang ligaya
Dahil ikaw ang magsasabi kung ano ba sila
Ikaw ang nakakaalam kung ano ka ba talaga!?

................................................

Please Vote and Comment

................................................

Sa Mata Ng Mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon