Bituin (Ephemeral's Missing Gem)

10 0 0
                                    

Carl,

Nasubukan mo na bang tumingin sa kalangitan kapag gabi? Yung tipong panonoorin mo ang maya't mayang pagkislap ng mga bituin? Ako kasi, oo.

Alam mo, napakaganda ng kalangitan sa tuwing sasapit ang gabi. Kaya nga gustong-gusto ko ito. Alam kong alam mo na 'yon.

Pero alam mo, mas gusto kita.

Nasubukan mo na bang bilangin kung gaano kadami ang mga bituin na nakikita natin? Ako, oo.
Nasubukan ko na. Hindi lalagpas sa bente ang nakikita ko sa kalangitan. Siguro ay dahil na rin sa light pollution kaya 'yan lang ang kaya kong bilangin.

Pero alam mo ba, walang numero ang makakapagsabi ng halaga mo sa akin?

A, ito, may naisip na naman akong itanong sa 'yo. Naranasan mo na bang makakita ng isang kalangitang walang bituin? 'Yung tipong puro dilim lang ang makikita mo? Ako, oo. Nakakalungkot makakita ng ganoon. Alam mo kung bakit?

Kapag kasi may problema ako, ang mga bituin ang nagiging sandigan ko. Alam nila ang lahat ng mga pinagdadaanan ko. Alam nila kung ano ang mga gusto kong sabihin at iparating na hindi ko talaga kayang masabi sa iba. Alam nila ang bawat sikreto, bawat saya, at bawat lungkot na nararanasan ko.

Kaya sa tuwing wala akong bituin na makikita sa kalangitan, nalulungkot talaga ako. Wala akong mapagsasabihan ang ibig sabihin.

Pero alam mo ba? Ngayon ay hindi na ako nalulungkot sa tuwing makakakita ako ng madilim na kalangitan. Hindi na ako dumedepende sa mga bituin. Mayroon na kasi akong napagsasabihan ng mga problema ko. Bukod doon, kaya din niya akong pangitiin pagkatapos kong sumimangot o umiyak.

Alam mo na kung sino ang taong iyon. Sino pa ba? Ikaw!

Kaya sa tuwing makakakita ako ng isang kalangitang walang bituin, hindi ako mangangamba kung saan sila nagtungo. Titingin lang ako sa 'yo at makikita ko na ulit sila.
May mga pagkakataon na hahanapin ko pa rin sila, siyempre.

'Wag kang magseselos kung halimbawa makita mo ako na pinagmamasdan muli ang mga bituin sa langit. 'Wag ka sanang magtatampo na pinagtutuunan ko ng pansin minsan ang mga bituin.

Lagi mong tatandaan ang isang bagay na ito.

Mahal ko ang mga bituin pero mas mahal kita.

Titingalain ka lagi,
Ally


***
Original story that I've written for Sobrang Short Stories using the pen name ACM.

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now