Simbang Gabi

8 2 0
                                    

"Tapos na ang ating banal na pagdiriwang. Humayo kayong mapayapa. Salamat sa Diyos!" pag-aanunsyo ng pari sa mga nagsisimbang gabi. Matapos niyang sabihin nito umalingawngaw sa hangin ang mga nakakabinging palakpakan at papuri ng mga tao para sa Diyos. Nagsimula namang kumanta ng pangwakas na awitin ang choir ng simbahan. Kinakanta nila ang isa sa mga sikat na awiting Pilipino kapag sumasapit ang Pasko.

Nakangiti akong lumabas ng simbahan. I feel like I've achieved something big dahil nakumpleto ko sa unang pagkakataon ang simbang gabi. Isa ito sa mga plans ko for this year, at I'm proud dahil nafulfill ko ang plan na 'to. Nagkaroon ng mga kaunting setbacks, pero I'm glad it still pushed through. Wala talagang makakapigil.

Sumalubong sa aking paglabas ang aking nobyo na si Art. Nakangiti siya sa akin habang hinahawakan niya ang kamay ko.

"Merry Christmas, mahal," bati niya sa akin.

"Merry Christmas din, mahal," bati ko pabalik sa kanya.

Nakipagsiksikan kami sa mga tao upang makalabas na ng tuluyan sa simbahan. Nang makalabas na kami, naglakad kami ni Art pauwi sa bahay namin. Noche Buena na in a few hours, I hope hindi masyadong matraffic ngayon kasi uuwi pa 'tong si Art sa kanila para sa Noche Buena.

Habang naglalakad kami, the usual, nagpapalitan kami ng kwento ni Art. Ang tawanan at kwentuhan lang namin ni Art ang pumupuna sa katahimikan ng malamig na gabi. Sa itaas naming dalawa ay ang mga bituing nagkikislapan at pinapanood ang bawat galaw naming dalawa. Napakasaya ko ngayong gabi na 'to. Uuwi ako sa bahay ng masaya.

"Nga pala, Claire," panimula ni Art sa isa na namang bagong pag-uusapan namin. "Tapos na simbang gabi, ano ba wish mo? Yun pa rin ba?"

Bumuntong hininga ako, at napangiti sa kanya. Napansin niyang may kakaiba sa ngiti ko kaya huminto kami saglit.

"Bakit?" tanong niya sa akin. "Okay ka lang ba?"

Isang linggo kong pinag-isipan kung ano ba hihilingin ko pagtapos ng simbang gabi, pero alam ko kung ano talaga ang pinakahinihiling ko. Gusto ko magkaayos na pamilya ko.

Ilang taon na din na may digmaang nangyayari sa loob ng pamilya namin. Relative versus relative. Pamilya laban sa pamilya. Minsan may iba pang tao ang nadadamay sa away na 'to.

Nagsimula ang lahat dahil sa hindi pagpayag ng aking tiyahin na mag-abroad. Mas pinili niyang manatili dito sa Pilipinas para makasama ang taong iniwan lang naman siya kinalaunan. Nagalit sa kanya ang buong pamilya namin kaya parang itinakwil na din kami ng ibang mga kamag-anak namin. Iniisip kasi nila ang daming nasayang na pera sa kanya kasi nga hindi siya nag-abroad. All expenses paid na kasi yun eh. Tapos hindi pa siya pumunta.

Yung away na yun, nadamay kaming magkakapatid. Nakwento na sa akin lahat ng aking lola. Nakatira lang kasi ako sa aking lola, hindi sa aking ina. Pinupuntahan lang kami dito ni mama pag hindi siya abala sa trabaho. Lumaki akong kasama ang lola ko.

Sobrang kumplikadong ikwento kung bakit magulo ang pamilya ko. Pero alam ng Diyos kung ano yun. At yun yung hinihiling ko sana sa simbang gabi. Na sana magkaayos na pamilya ko. Na sana matapos na yung away nila. Nakakasawa din kasi, tapos lagi pa kaming nadadamay magkakapatid. Nasasabihan ng kung ano-ano.

Magsasalita na sana ako kay Art ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Binuksan ko ito at nakita ko na ang best friend kong si Hailee ang nagtext sa akin.

"Bes, good news! Napakulong na namin yung lalaking nambubugbog sa amin ng mama at kapatid ko," sabi doon sa text. "Salamat ng marami bes ha? Salamat sa mga dasal at pagtulong mo sa amin. Magiging maligaya na din ang pasko namin bes. Salamat talaga ng marami."

Napangiti ako sa nabasa ko pero kasabay noon ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.

"Claire?" tawag ulit sa akin ni Art. "Bakit?"

"Art, natupad na wish ko," sabi ko sa kanya habang may ngiti sa mga labi ko.

"Ha? Paano mo nalaman? Sina tita ba yung nagtext?" tuloy-tuloy na tanong ni Art sa akin.

Umiling ako at sumagot, "Hindi ko hiniling na magkaayos na pamilya ko. Ibinigay ko wish ko kay Hailee. Mas kailangan niya yun."

"Art, ikaw? Ano ba wish mo ngayon sa simbang gabi? Natupad na ba?" tanong ko sa kanya.

Inihatid ako ni Art sa aming bahay. Pagpasok ko sa loob, dilim lang ang sumalubong sa akin. Walang noche buena sa lamesa. Dilim lang ang handa ng aming pamilya. Pero kahit na madilim, nakangiti pa rin akong umuwi.

Naalala ko yung sagot ni Art sa tanong ko nung tinanong ko sa kanya kanina kung ano yung wish niya sa Simbang Gabi.

"Wish ko?" panimula niya, "Hindi pa ako nakakapagwish pero alam ni Lord kung ano gusto kong mangyari. Yung kahit papaano, mapasaya ka Niya sa araw na 'to kahit pa ang daming gulong nangyayari sa buhay mo. Oo, tinupad na Niya yun. Kasi ngayon, nakikita kitang masaya. Nakikita ko yung babaeng mahal ko na masaya kahit pa yung wish niya hindi para sa kanya, kundi para sa ikabubuti ng iba."

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now