I Love You

13 2 0
                                    

"I love you!"

Napatitig ako sa isinend niya sa akin na chat. Hindi ako maka-imik. Nakatingin lang ako. Paulit-ulit ko itong binabasa sa isipan ko. Kinakabisado ko ang bawat letra, bawat salita at bawat damdamin na kalakip nito.

Habang binabasa ito paulit-ulit ng isipan ko, unti-unti ko na ring naririnig ang kaniyang tinig. Malambing ang kaniyang boses habang sinasabi niya sa akin ito. Kinikilabutan ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Habang binabasa ko ito, naramdaman ko na lamang na basa ang aking mga pisngi. Lumuluha na pala ako nang hindi ko namamalayan.

Ganito talaga ako. Kapag naririnig ko o nababasa ko ang mga kataga na iyan galing sa kaniya, naluluha ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi nararamdaman ko talaga ang mga salita na 'yan.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang convo namin. Lumuluha man ako, masaya pa rin ako.

"I love you, too!"

"I love you more!"

"I love you most!"

Naluluha 'kong pinanood ang palitan ng mga messages ng boyfriend ko at ng ex-girlfriend niya.

Oo, lumuluha ako, pero masaya ako kasi alam ko at ramdam kong masaya siya kahit hindi sa akin.

"I love you so much," bulong ko sa hangin habang patuloy pa rin silang pinanonood.

Ganoon na lamang siguro kadaling magbitiw ng mga salitang "I love you" ano? Kasi kahit na niloloko na niya ako, kaya pa rin niyang sabihin sa akin 'yan. Hindi niya ako mahal pero nasasabi niya sa akin 'yan at ang dating naman sa akin ay mahal niya talaga ako.

Dahil sa mga taong ganiyan kaya nawawalan ng saysay ang "I love you."

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now