Pasko Na, Sinta Ko

8 1 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin dulot ng amihan, sumasama na din sa hangin ang nakakagutom na amoy ng mga puto bumbong at bibingka na tinitinda sa gilid ng kalsada. May mga taong abala sa pagbili ng mga pangreregalo sa mga kaanak nila, may mga tao ding nagmamadaling makaabot sa simbahan para sa Simbang Gabi.

Yes, it's December, and yes, that means Christmas is definitely approaching.

Dati nararamdaman ko lang ang lamig ng hangin sa labas kapag nagsisimbang gabi kaming dalawa. Ngayon, sobrang lamig din ng hangin sa loob ng bahay namin. Malamig ang pasko ko ngayong taon, at pakiramdam ko, mananatili 'tong lamig na 'to hanggang sa susunod pang mga taon.

Pumunta ako sa isa sa mga sofa dito sa sala at naupo. Suot ko ang sweatshirt na iniregalo niya sa akin noong nakaraang pasko lang din. Hawak-hawak ko ang isang picture frame na may larawan naming dalawa na nakatingin sa isa't isa. Kitang-kita mo ang saya sa mga mata namin habang parehas kaming may hawak na lobo habang nakatingin at nakaakbay kami sa isa't isa. Yung lobo na hawak niya sa isang kamay ay kulay bughaw, sa akin naman ay pula.

Malungkot kong hinaplos ang picture frame na hawak ko habang umaalingawngaw sa katahimikan ng bahay ang mga salitang binitawan niya sa akin noon na akala ko hindi niya makakalimutan.

"Pangako, Claire, hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Dito lang ako."

Naramdaman ko na ang pagbigat ng dibdib ko kasabay ng pamumuo ng mga luha sa mga mata ko na pinipilit kong hindi tumulo. Ibinaba ko saglit ang picture frame sa tabi ko at pumikit.

Nakakainis ka, Jordan, ikaw yung dahilan kung bakit malamig dito ngayon. Pero kahit nakakainis ka, mahal kita, mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon.

Kaming dalawa ni Jordan ay magkakilala na simula pa pagkabata, both of our parents were good friends. Kaya nagkakilala kaming dalawa and eventually, naging matalik na magkaibigan.

Noong mga bata pa kami, madalas niya akong asarin dahil mataba pisngi ko. Sinasabihan niya ako lagi na kamukha ko daw si Jollibee. Ang galing diba? Mukha naman siyang si Ronald McDonald dahil mukha siyang clown!

Kahit na madalas akong asarin ni Jordan, siya at siya lang yung tanging mapagkakatiwalaan ko. Lagi kaming magkasama sa mga kalokohan. Usually, siya ang mastermind tapos ako ang tagasunod sa mga plano niya. Minsan naman, kapag sinapian ako ng espiritu ng walang magawa, ako ang mastermind tapos siya? Wala siyang angal at susunod sa mga plano ko, gaya ng pantitrip sa mga kapitbahay namin. Magdodoorbell kami sabay takbo para hindi mahuli.

Noong high school na kami ni Jordan, nanatili pa din ang pagiging magkaibigan namin. Sa aming dalawa, siya ang matalino. Laging nasa honor roll, laging line of 9 ang grades. Good boy. Ako naman, sakto lang. Sakto lang ang honor, sakto lang ang grades. Ordinaryong estudyante lang ako, pero siya? Nakakasama siya sa mga inter-school competitions, nagiging pambato ng klase sa mga quiz bee, na-eelect bilang officer both in class at sa student government. Taray niya diba?

Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

Oo, nung high school kami, doon ko narealize na nahuhulog na pala ako kay Jacob, sa best friend ko. Pero hindi dahil sa may posisyon siya sa SSG at dahil sa nasa honor roll siya. Nahulog ako sa kanya kasi naramdaman ko na lang bigla na isang araw mahal ko na siya, pero hindi bilang isang kaibigan. Nagising ako na iba na yung tingin ko sa mga ngiti niya sa akin, yung mga tawa niya nagiging musika na sa tainga ko. Yung mga taong nakapaligid sa aming dalawa pag magkasama kami, nawawala na lang bigla. Iba na yung dating ng mga mata niya sa akin. It mesmerized me.

Dahil sa mga yan, narealize ko na talaga na mahal ko na siya, pero hindi ko pa maamin sa kanya.

I knew we were meant to be. I knew we both share the same feelings. Naiintindihan namin ang isa't isa. We knew each other's secrets, experiences and the like. We vowed to each other na tayong dalawa ay magkasama hanggang sa huli. We will remain with each other. We shared moments together na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Moments that were too hard to let go.

Lalo na yung time na tinitigan mo ako sa mata tapos sabi mo huwag kitang iiwan kasi hindi mo kaya kapag nawala ako sayo.

Ang hirap, Jordan. Ang hirap talagang tanggapin.

Hanggang sa nagkatrabaho na kami ni Jordan. Guro ako sa isang paaralan malapit dito sa bahay, habang siya naman ay office worker. Kahit na busy na sa career, never kaming nawalan ng koneksyon sa isa't isa. We would still go out and eat dinner or lunch tapos minsan sinusundo pa niya ako sa school. We were sweet with each other. He gave me gifts tuwing Valentine's Day at syempre tuwing Pasko.

Kapag sasapit na ang pasko, may tradisyon kami ni Jordan. Kukumpletuhin namin ang simbang gabi every year para magwish. Pagkatapos, magnonoche buena kami sa bahay ng isa't isa, then exchange gift.

Last year, ang natanggap ko galing sa kanya ay ang sweatshirt na suot ko ngayon. Tapos ang natanggap niya galing sa akin ay isang relo. Tuwang-tuwa kaya siya, mahilig kasi siya sa relo eh. Sabi niya sa akin, ang iregalo ko daw sa kanya next year yung panghabang buhay na regalo na. Loko-loko talaga. Ireregalo ko sana sa kanya kabaong eh o kaya life-ensurance plan ba 'yon?

Iminulat ko ang mga mata ko bigla. Naalala ko na naman.

Ngayong taon, wala nang simbang gabi na kukumpletuhin.

Wala nang noche buena at exchange gift na magaganap.

At wala nang Jordan na pag-aalayan ko ng mga pasko ko. Kahit na palihim kong inaalay ito sa kanya.

Tumingin ako sa isang box na nasa harapan ko. Nakapatong ito sa isang babasagin na lamesa. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang kulay blue na gown. May flower crown pa na kulay blue din na kasama nito. Nakapatong din sa gown ang isang invitation na mukhang pang mayaman ang itsura.

Napangiti ako ng mapait habang sinasara ko ulit ito.

Kasal ni Jordan ngayon, pero hindi sa akin. Sa best friend ko na nakilala niya noong college kami. At ako ang bridesmaid. At dahil hindi ko kayang makita ang mahal ko na ikasal sa iba, hindi ako pumunta.

It's funny how twisted fate can be, ano?

Nagtatampo sa akin si Jordan ngayon. Kung ano-ano ang sinabi sa akin sa text. Friendship over na din daw kami kasi hindi ako umattend sa isa sa pinakamahalagang event sa buhay niya. Kahit kailan talaga, napaka-immature at childish niya pa rin after all these years.

Pero at least, naibigay ko sa kanya yung sinasabi niyang gusto niya matanggap ngayong pasko, for the very last time. Yung panghabang buhay. At least hindi kabaong ang natanggap niya galing sa akin.

Ang maging masaya siya kahit hindi sa piling ko.

Masakit man sabihin pero, pasko na, pero hindi ako ang sinisinta ng sinta ko. Noon pa lang naman eh, best friend lang naman turing niya sa akin. Yun lang, nothing more, nothing less. At hanggang dun na nga lang talaga ako.

(Edited/Revised Version: Sobrang Short Stories: A Christmas Special
Link: https://www.facebook.com/889439837793699/posts/2373285326075802/?app=fbl )

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now