Miss Forever Braid

11 1 0
                                    

"Athena? Ano 'yang ginawa mo sa buhok mo?" sabi sa'kin ng isa kong kaibigan, si Myra.

Hinawakan ko ang buhok ko at hinaplos ito. Naramdaman ko ang pagkakabraid ng buhok ko. Tinignan ko si Myra at sinagot siya, "Bakit? Anong meron?"

Natawa siya at tumugon, "Wala, no offense ha, hindi kasi bagay sa'yo ang naka-braid teng." Matapos niyang sabihin iyon ay pumunta na siya sa mga kaibigan namin at nagsimula muli makipagkwentuhan.

Ikinibit-balikat ko na lamang ang sinabi ni June at nanahimik na lamang sa kinauupuan ko. Ilang minuto ang lumipas, nakaramdam ako ng pagkabagot, kaya kinuha ko ang isang libro mula sa aking bag. Bubuklatin ko na sana ito nang biglang lumapit sa akin ang isa sa mga kaklase ko, si Claire.

"Naks, naka-braid ka ngayon Athena ah. Ano meron?" sabi niya sa akin.

"Wala naman, gusto ko lang magbraid," maikling sagot ko sa kanya.

"Hindi ako sanay na naka-braid ka though, mas bagay pa din sayo yung naka-ponytail ang buhok," sabi niya muli sa akin saka umalis at umupo na sa kanyang upuan.

Ano bang problema ng mga 'to sa buhok ko, sabi ko sa sarili ko. Pero ikinibit-balikat ko na lamang ito at nagsimula na lamang magbasa.

"Hi Athena!" sigaw ni Bea sa akin, isa sa mga kaibigan ko. "Wow nagbabasa ka pala?"

"Ah, oo," sagot ko sa kanya, "Actually-"

"Nako, magbabasa ka pa, matalino ka na eh, wag mo naman masyadong galingan," pabirong sabi sa akin ni Bea.

Kahit na alam kong pabiro lamang iyon, naramdaman ko pa rin na parang nasaktan ako sa mga sinabi niya.

"Alam mo, nakakapanibago ka ngayon," sabi niya pa sa akin. "Kilala ka namin eh. Hindi ka naman tahimik, lagi kang naka-ponytail, tapos tamad ka magbasa kasi magaling ka na. Kilala ka namin, hindi ka nagbebraid ng buhok mo ng ganyan kasi diba alam mong hindi naman bagay sayo?"

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Pero nginitian ko na lamang siya.

Narinig ko na ang dismissal bell at nagmadali akong inayos ang aking mga gamit. Tatayo na sana ako para lumabas pero pinigilan ako ni Myra.

"Teng, you're strange today. Braided hair? Quiet presence? Reading books? I mean that's not your thing eh," sabi niya sa akin, may bakas ng pag-aalala sa mga mata niya.

Napangiti lang ako sa kanya at nagpaalam na ng tuluyan. Bumaba ako sa ground floor ng school namin at naglakad palabas ng campus. Binuksan ko ang Facebook ko upang i-chat ang sundo ko. Napangiti naman ako ng malamang papunta na siya sa tagpuan namin.

Makakasama ko na ulit yung nag-iisang taong alam kong hindi pupuna sa pagbabasa ko, sa pagiging tahimik ko, at sa pagkakabraid ng buhok ko. At masayang-masaya ako.

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now