Ingay sa Katahimikan

18 3 0
                                    

Malalim na ang gabi nang mapagpasyahan kong kuhanin ang isang kwaderno na puno ng mga tula na ako mismo ang sumulat. Umupo ako sa aking upuan doon sa isang study table sa aking kwarto at binuklat ang aking kwaderno sa isang blankong pahina. Kinuha ko ang aking ballpen at nagsimulang magsulat. Sinulat ko lahat ng mga iniisip ko. Sinulat ko sa kwaderno ko ang mga bagay na binubulong sa 'kin ng mga demonyong gumugulo sa isipan ko. Ginamitan ko ng tugma at sukat ang aking sinusulat. Pinaglalaruan ko ang bawat salita habang tuloy-tuloy na isinusulat ang mga sinisigaw ng isipan ko.

Maya-maya pa, ibinaba ko na ang aking ballpen at tinitigan ang huling kataga sa aking tula. Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng luha sa mga mata ko habang patuloy na nakatitig sa aking sinulat. Mabilis ang tibok ng aking puso, habang pagod na pagod naman ang aking isipan.

Mula sa pagkakaupo, tumayo ako at dumiretso sa banyo, bitbit ang isang bagay na alam kong tatapos sa lahat ng paghihirap ko sa mundong 'to. Pagkasara ko ng pinto, umaalingawngaw sa tahimik na paligid ang ingay ng mga boses sa isipan ko na ngayon ay isinisigaw ang huling kataga sa aking tula.

"Gusto ko nang mamatay."

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now