12-7×3

13 2 1
                                    

Marami ang may ayaw sa Math. Totoo yun, kasi marami akong kilala na may ayaw dito. Marami kasing formula na kailangang tandaan, marami kasing problems na mahirap sagutan, tapos minsan, hindi lang numbers ang makikita mo sa isang equation, may letters pang kasama at iba pang mga symbols na nagpapahirap sa mga may ayaw sa Math.

Oo, mahirap ang Math. Mahirap intindihin ang Math. At iyon ang dahilan kung bakit ko gusto ang Math. Kasi parehas kami. Parehas kami ni Mathematics, parehas mahirap intindihin, parehas mahirap, parehas marami ang umaayaw.

Parehas kami ni Math na laging itinataboy at pinapaalis sa sistema. Lalo na sa curriculum. Parehas kami ni Math na naghahanap ng solusyon sa mga problema. Parehas kami ni Math na kailangan ng formula para ma-solve ang equations namin.

Naiintindihan ko yung pinagdadaanan ni Math. Kung tao lang siguro yun, gumawa na yun ng spoken word. Sa dami ba naman ng ihuhugot nun eh, sa dami ba naman ng pinagdaanan niya. Tiyak akong makakasulat siya ng isang tagos sa pusong akda.

Parehas kami ni Math. Itinataboy, dinideny, pinapaalis, tinatanggal, inaayawan ng lahat, at hindi maintindihan.

Sa totoo lang, nadidismaya ako sa araw na ito. Yung sagot kung bakit? Kasi alam kong babaliwalain niyo lang yung equation sa pamagat nitong akda na 'to.

Kasi, Math problem diba? I-solve na lang ni Math ang sarili niyang problema.

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now