Paano Magmahal ang Manunulat?

12 2 0
                                    

You know, may iba't ibang paraan kung paano magmahal ang isang tao. They all have their unique ways of loving a person. Others, they will be giving gifts to their special someone. Yung iba laging iti-treat yung special someone nila. At yung iba, ibibigay ang lahat-lahat sa minamahal nila, kahit pa maubos na sila at wala nang matira pa sa kanila.

May iba't-ibang paraan kung paano maipapakita ng isang tao na mahal nila ang sinisigaw ng puso nila. Iba ang ginagawa ng isang artist sa mahal niya, iba ang ginagawa ng isang singer sa inspirasyon niya.

Pero, paano magmahal ang isang manunulat? Maniwala ka, wag mo nang tangkaing alamin kung paano. Bakit? Kasi delikado.

Handa ka bang malaman?

Sige, sasabihin ko sayo.

Ang manunulat, hindi yan susulat dahil lang sa wala. Hindi yan susulat kung wala siyang pinaghuhugutan. Ang manunulat susulat yan sa kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga salitang mabubuo niya ay hindi niya pinag-isipan, maaaring sa mga final drafts ng mga binubuo niyang kwento pwede pa. Yung mga salitang inilalapat niya sa papel ay mula sa puso niya, mula dun sa nararamdaman niya, may it be happiness, anger or sadness.

Kapag dumating ka sa buhay niya, kapag nangahas ka na ibigin siya, marami kang bagay na dapat asahan.

Huwag mo siyang pangakuan na aabutin mo ang bituin para sa kanya. Alam niyang hindi mo kaya yun. Maski siya hindi niya kayang gawin ang bagay na yun. Pero asahan mong gagawa siya ng tula. Pipiliin niya ng mabuti ang mga salitang ilalagay niya. Pagsasamahin ang mga pangungusap na binubuo ng puso niya. Ibubuhos sa bawat linya ang damdaming nasa puso niya. Ibibigay niya ang tula niya sayo, para sayo. Hindi man niya kayang abutin ang bituin para sayo, kaya niya namang iparamdam sayo gamit ang isang tula na hindi na niya kailangang tumingin sa itaas para makita ang mga bituin kasi ikaw, oo ikaw, ang bituing hindi niya pagsasawaang tignan hanggang sa matunaw ka sa mga tingin niya.

Para sa kanya, ikaw ang pinakamaningning na bituin na pwedeng ipantapat sa mga bituin sa kalangitan.

Huwag mo siyang pangangakuan na kaya mong tawirin ang bawat karagatan o dagat para lang sa kanya. Kasi alam niyang hindi mo kaya yun. Hindi rin niya namang kaya eh. Pero kaya niyang gumawa ng isang epiko. Sa epiko, ilalarawan niya ang isang lalaking niligtas siya sa mga demonyong binubulungan siya. Yung lalaking hindi siya iniwan kahit pa napakahirap niyang pakisamahan. Nilabanan ng lalaki ang mga taong nananakit sa kanya. Ipinagtanggol siya. Hindi hinayaang masakop ng kalungkutan ang iniirog ng lalaki. Ihahalintulad niya ang karakter na lalaki sayo.

Kasi ikaw ang nagligtas sa kanya sa mga tao at bagay na sinasaktan siya.

Hindi ka prinsipe sa totoong buhay. Isa ka lamang lalaki na simple lang Pero hindi ka ganun sa paningin niya. Isa kang prinsipe mula sa isang malayong kaharian, habang isa lamang siyang commoner. Dumating ka sa buhay niya, inibig siya kahit pa hindi kayo parehas ng mundong ginagalawan. Ipinaglaban mo siya kahit pa maraming tao ang bumabato sa inyo at nagsasabing "Hindi siya ang para sayo." Gagawan ka ng manunulat ng nobela, kung saan ikaw ang bida.

Kasi ikaw ang prinsipe niya.

Sa sobrang mahal ka ng manunulat, sa bawat tulang gagawin niya, there will be a piece of you. May symbolism ka doon. May parte ka lagi.

Sa bawat epiko, ikaw lagi ang hero. Kasi lagi mo siyang nililigtas.

Sa bawat nobela, sayo lagi ihahalintulad ang bida. Kasi ikaw ang bida sa buhay niya.

Hindi niya man matawid ang mga karagatan at dagat sa buong mundo, kaya niya namang iparamdam sayo na kakayanin niyang gawin yun para sayo sa pamamagitan ng mga akda niya. Worth it na gawin yun para sayo.

Hindi man niya kayang sungkitin ang mga bituin sa langit, kaya niya namang ipaalam sayo na di na niya kailangang gawin yun dahil ikaw ang bituin na gusto niya at nasungkit ka na niya. Ikaw ang bituing mas maningning pa sa mga bituing nakikita mo sa kalangitan.

Pakikiligin ka niya gamit ang mga salitang hindi lang basta-basta mabulaklak, kundi kung ano ka sa paningin niya.

Pasasayahin ka niya sa bawat corny jokes na gagawin niya at sa bawat typong makikita mo sa bawat akdang gagawin niya.

Paiiyakin ka niya sa sobrang tuwa dahil lahat ng gawa niyang sulatin, LAHAT-LAHAT, ay para sayo lang. Para sayo lang at hindi sa iba.

Kaya niyang iparamdam sayo na ibibigay niya ang mundo para sayo kasi sayo lang umiikot ang mga tula, epiko, dagli, tanaga, nobela at kwento na isusulat niya.

Pero babala, huwag mo siyang sasaktan.

Sa oras na saktan mo siya, maniwala ka, dadamdamin niya yun ng sobra. Tatangkain niyang sumulat ng tula, isang mapait na tula, kung paano mo siya balewalain at ipagpalit sa iba. Tatangkain niyang gumawa ng isang nobela, isang tragedy na nobela, na tatalakay sa kung paano mo siya nasaktan at kung paano ito paulit-ulit-ulit na nagfaflash sa isipan niya.

Pero hindi niya matatapos. Hindi niya makakaya.

Buburahin niya kaagad ang mga salitang ginamit niya para ilarawan ka matapos mo siyang saktan.

Kasi alam niyang kahit sinaktan mo siya, ikaw pa rin ang magiging dahilan para sumulat siya.

Bubuo pa din siya ng tula, nandoon ka pa rin.

Gagawa pa din siya ng epiko, nandoon ka pa rin at ikaw pa rin ang hero.

Susulat pa din siya ng isang nobela, nandoon ka pa rin at ikaw pa rin ang bida.

Tatawirin niya pa rin ang mga dagat at karagatan gamit ang panulat niya para sayo.

Susungkitin at aabutin niya pa rin ang mga bituin gamit ang papel niya para sayo.

Lahat ay isusulat niya at para pa rin sayo.

Mahal na mahal ka ng isang manunulat. At mamahalin ka niya kahit pa hindi na niya kayang sumulat.

Habambuhay, ang mga kwento at tula niya ay maglalaman ng pagkatao mo. At maraming pwedeng makabasa noon at malalaman na ikaw ang naging inspirasyon nito.

Ganito magmahal ang isang manunulat. Alam ko, kasi isa ako sa kanila.

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now