Vignette #1: Fast forward

25 3 0
                                    

Nagmamadali kong pinara ang jeep na sinasakyan ko saka kumaripas ng takbo papunta sa aking inang pamantasan. Bukod sa late na ako, hindi ko pa nagagawa ang aking mga takdang aralin para sa araw na iyon dahil nakatitig lamang ako sa screen ng computer buong magdamag kagabi. Papasok na sana ako ng pamantasan ng may bigla akong maalala at matawa na lamang sa aking sarili. Pumasok ako ng pamantasan, may buong kumpyansa sa aking sarili, habang sinasagot ang mga estudyanteng bumabati sa akin ng, "Good morning, Ma'am Ally!"

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now