A Perfect Christmas (Unedited Version)

8 1 0
                                    

"Tol, ano na? Sumama ka na sa walwalan, libre ko naman eh," sabi ng isang katrabaho ko na si Jonas. Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ako sa aking tinatype na reports para sa company na pinapasukan ko. Kailangan na kasi ito, bukas ako ang magpepresent nito sa board.

Nang hindi ko pansinin si Jonas, binatukan niya ako ng pabiro saka sinabing, "Hoy, Clark! Ano na? Sumagot ka nga! Sumama ka na!"

Tumingin ako sa kanya saka siya sinagot, "Hindi ako pwede ngayon tol. May ginagawa akong report, kailangan na 'to bukas."

Huminga ng malalim si Jonas at tumugon, "Sayang naman! Libre ko eh." Matapos niyang sabihin yan, umalis na siya patungo sa sarili niyang cubicle sa aming opisina.

Bumalik ako sa pagtatype ng mga reports. I never liked to drink liquor nor to smoke cigarettes. I've never been the kind of person to do such things. Sabi nila kaya daw ginagawa ng mga tao yun to forget the pain, to forget their problems, and to forget what's inside their head. Pero I don't want to forget. Siguro ito na yung karma ko, yung punishment ko, from being that stupid, immature at mapusok na lalaki noong college pa lang.

Dahil sa ugali kong yan, I lost a lot of people.

Especially, her.

Umiling ako, hoping na matatanggal no'n yung mga thoughts ko, saka nagpatuloy sa pagtatype. Konti na lang 'to, in 5 minutes tapos ko na ito.

Habang nagtatype, narinig ko na ang mga ingay ng mga kaibigan ko dito sa trabaho. Paano, alas syete na kasi ng gabi, uwian na. Mag-iinuman na yung mga yun panigurado tapos hindi nila ipapaalam sa mga girlfriend nila.

"Tol, Clark," tawag sa akin nung isa pang kaibigan ko, si Allan. "Sigurado ka bang hindi ka na sasama sa amin?"

Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Allan lang yung alam kong mapagkakatiwalaan ko. Nakasama ko siya mula nung nagsimula ako sa College. Siya ang napagsasabihan ko ng mga problema. Alam niya lahat, kabisado niya ako. Pero, sabi niya sa akin na wala nang may mas nakakabisa sa akin bukod sa kanya.

Si Allan ay hindi kagaya ng mga iba pang ugok na parte ng tropa namin. Faithful siya sa girlfriend niya. Yung girlfriend niya kasi may sakit sa puso. Nangako si Allan na aalagaan siya at magiging faithful siya sa kanya hanggang sa huli. Ito yung pangakong hanggang ngayon ay tinutupad niya. College pa lang kami, sila na nung girlfriend niya. Nakakatuwa na hanggang ngayon, sila pa rin, dahil sa faithfulness ni Allan at sa tiwala na binigay nung girlfriend niya.

Sana, sana tinularan ko si Allan. Ayan tuloy, naging isang ugok din ako.

"Oo, Allan, marami pang gagawin eh," sabi ko sa kanya ng may isang pilit na ngiti sa labi ko.

Tumingin ako sa mata ni Allan. Ang mga mata niya ay nagpapakita ng isang emosyon na lagi niyang ibinibigay sa akin sa bawat araw na nakikita niya akong subsob sa trabaho. Lungkot.

"Pre," panimula muli ni Allan. "Bakit hindi mo siya hanapin?"

Napatigil ako nung marinig ko ang tanong niyang iyan. Sinubukan ko siyang hanapin noong nakagraduate na ako ng college. Sinubukan ko siyang hanapin noong nagsimula na ako sa trabaho. Pero wala, ayaw niyang magpahanap. Mukhang masyado ko ata siyang nasaktan.

Ibinalik ko ang aking tingin sa screen ng computer ko, saka sumagot, "Hindi na, pre. Ayaw na niya ako siguro makita."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Allan. Tinapik niya ang aking balikat saka lumabas ng cubicle ko at sumama na sa mga ka-tropa namin.

Hindi ko na maigalaw ang mga daliri ko. Hindi ko na alam kung ano ang itatype ko o kung tama ba yung grammar ko. Magulo na naman ang isip ko. Kinuha ko na lang ang flashdrive na nasa bag ko at isinaksak iyon sa system unit. Sinave ko na lang ang file sa flashdrive ko at napagdesisyunan na gawin na lamang ito sa bahay namin.

EPHEMERAL - Short Stories Collection #1Where stories live. Discover now