KABANATA 15

33 12 1
                                    

Camille

"My love! Galingan mo sa first day, ah! Baka 'yung boss mo na 'yong magiging brother in law ko! Aba! Galingan mo gumiling! Charot!" pang-aasar ni Rika habang hinahanapan ako ng damit na maisusuot sa unang araw ko sa trabaho.

Napaismid na lamang ako! Seryoso ka diyan Rika? At ano'ng gumiling? Hindi naman ako magsasayaw doon.

Even if I'll found someone that's willing to spend the rest of his life with me, I can't still feel the word forever to my system.

Today is the day. Official nang magsisimula ang plano ko.

Tatlong araw na ang lumipas mula no'ng mangyari ang issue tungkol sa pang-aakusa sa akin ng mga tagahanga ni CharCole at tatlong araw na rin mula no'ng huli naming pagkikitang lahat.

Pagkatapos ng nangyari ay agad ding na-discharged si CharCole dahil nasisiguro ng agency nila na araw-araw dudumugin ng fans ang hospital kung nasaan siya.

Nakakaabala raw ito masiyado sa mga pasyente at trabahante rito. At para rin daw sa kaligtasan ko, namin ni Kuya.

Gano'n din ang naging desisyon ni Kuya. Balak pa sana ng doctor na magtagal kami ro'n dahil hindi pa tuluyang nahihilom ang sugat niya pero Kuya insisted na dito na lang magpapagaling sa condo niya dahil mas panatag ang loob niya rito kaysa ospital at para na rin daw makapasok na ako sa trabaho since tatlong araw lang ang palugit na ibinigay sa akin ng company.

Kasama rin namin dito ang kaibigan niya, dito na siya pansamantalang naninirahan dahil gusto niyang siya ang mag-alaga kay Kuya habang nasa trabaho ako.

"Kailangan ko talaga bumawi Kuya. At sa wakas makakapagtrabaho na ako at makakatulong na ako sa iyo, sa inyo ni Tita Enna," nakangiting saad ko.

Dahan-dahan ito ng lumapit sa akin habang hawak ang tiyan. Nakaupo kasi ako sa kama. Umupo siya tabi ko at inakbayan ako.

"Basta... tawagan mo agad ako kapag may something wrong kang naramdaman, kahit ganito pa ako, pupuntahan talaga kita do'n at kukurutin ang hita mo!" napangiti naman ako ro'n.

Enriko, always the sweetest.

"Rika, talagang napaka-sweet. Alam mo sa'ting dalawa, ikaw ang kailangan na mag-jowa," natatawang pang-aasar ko saka pinisil ang pisngi niya.

Hinampas niya agad ang kamay ko nang marahan. Ayaw na ayaw niya kasing hinahawakan ang mukha niya dahil mabilis siyang magka-tigwat.

Tumayo ako pumunta sa closet niya kung saan nakatambak pati mga pinambili kong damit.

Nakita kong nakahanda na roon ang isang red formal blazer and a white turtle neck, sleeveless top with a little detail of flower diamonds on the neckline part, and also a black pencil skirt with a strechable belt, highlighted with gold and a rose lock in the middle.

Hindi ko mapigilan humanga sa taste ni CharCole pagdating sa mga damit. Hindi ko kasi napagtuunan ng pansin ang bawat detalye ng mga damit na pinili niya kaya ngayon sobrang mangha ako.

Speaking of him, he always send messages to me asking about how I am, what I'm doing and the likes.

Nakakalibang talaga siya kausap, parang ibang tao. Sobrang layo ng character niya as a vocalist at bilang isang normal na kaibigan.

Humarap ulit ako kay Rika at nag-thumbs up dahil nagustuhan ko ang napili niyang damit para sa first day ko.

"Siya nga pala, I hired Eidemon na bantayan ka," anito na siyang ikinakunot ng noo ko.

Hired? As in body guard? But why?

"Alam mong hindi pa rin nahuhuli hanggang ngayon ang salarin at mas panatag ako kung siya ang kukunin ko bilang body guard mo," he added ng mapagtantong hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Unlucky Fate with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon