KABANATA 8

57 27 0
                                    

Camille

“Camille, halika rito dali!” sigaw ni Kuya mula sa kinatatayuan niyang bato.

Kararating lang namin nina Kuya rito sa Guiritsan Falls, kasama namin ang kaniyang mga kaibigan. Ayaw ko sanang sumama pero pinilit niya ako. Hindi ako tinigilan hangga't 'di ako pumapayag.

My jaw dropped when my eyes saw this whole dazzling paradise.

Inilibot ko ang paningin ko. I never knew that there's a place like this here in Iloilo.

Parang nasa isang paraiso kami ngayon. Dati, sa libro ko lang nababasa ang mga ganito kagandang lugar.

Napakalinaw ng tubig, kumikislap ito dahil sa sinag ng araw. It is really breath taking. The sounds of the splashing water is really relaxing. Hindi ko akalaing makakayanan ko ang pagpunta rito.

I diverted my sight to my brother and his friends. The excitement in the faces of Kuya Enzo, Ate Jess and Sir Kael were evident.

Kung titignan sila mula rito sa kinatatayuan ko ay tila may filter sila sa ganda ng reflection ng araw at tubig.

Nilingon ko ulit si Kuya. Nakita ko siyang nakapatong sa isang mataas, malaki at malapad na bato. Wala na itong damit pang-itaas. Hindi niya alintana ang pagod mula sa paglalakad papunta rito.

Kaninang madaling araw namin tinahak ang daan papunta rito. It was kinda perilous dahil sa mabatong daan at madilim rin pero matiwasay naming narating ito.

It was all worth it. Hindi sikat ang lugar na ito at nakita lang nila ito sa isang blog or website ng katrabaho nila.

Ang lapad ng kaniyang ngiti, halos mapunit na ang labi. Napangiti rin tuloy ako, inaamin ko na isang biniyayaang nilalang si Kuya sa pagdating sa mukha.

He always preferred being called gorgeous than beautiful.

“Oy! Ano na? 'Di ka ba maliligo? Ang ganda-ganda rito, oh! I can be a merman for a day!” he shouted again.

Nagtawanan silang apat sa sinabi niyan iyon. He called himself a merman.

Natawa naman ako at tumango na lang kaniya upang ipaalam na pupunta na ako. Para siyang kinikiliti dahil hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya, atat na atat maligo.

Isang malaking opportunity ito para sa kanila upang makapag-relax.

Nakita kong handa na rin ang mga kaibigan niyang maligo. Kaya binilisan ko ang paglakad, ayaw kong maiwan dito.

Pagkarating ko, agad kong hinubad ang damit kong pang-itaas. I wore black one piece suit beneath. Nagsuot lang ako ng buttom short dahil hindi ako komportable.

Dali-dali akong lumapit sa kanila. Naabutan kong nagbabato-bato pick sila kung sino ang mauunang tatalon.

Nagsigawan sila ng matalo si kuya. Ibig sabihin lang no'n ay siya ang unang tatalon sa tubig. Ngumiwi ito saglit pero napalitan din naman ito ng malapad na ngiti.

“Ha! Akala niyo naman natatakot ako? Baka nga maging kaibigan ko pa ang mga nilalang sa baba kapag nakita nila ako. Watch and learn!” anito.

“Oo, 'yung mga palaka! Halikan mo ang isa baka sakaling maging tao. Malay mo lang naman!” biro pa ni Kuya Enzo na agad namang binatukan ng tumatawang si Ate Jess.

Nag-inat ito at pumalakpak saglit. Sumeryoso ang kaniyang mukha pero bakas pa rin ang excitement sa mata niya.

Sumilip ako sa ilalim. Kinabahan ako dahil mukhang malalim ito. “Kuya, mag-iingat ka!” pahabol kong bilin sa kaniya. Kinindatan niya lang ako at tuluyan na siyang tumalon.

Unlucky Fate with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon