Change
Camille
“Lumayo ka sakin! Hindi kita anak! Kamalasan lang ang dala mo sa buhay ko! Dapat 'di na kita binuhay! Napakawalang silbi mong put-ng ina ka!” sigaw niya sa'kin habang humahagulgol, hawak ang litrato ng aking ama.
Ang taong mahal niya. Ang taong dahilan kung bakit nagkakaganito siya.
“Ako din dapat 'my...mahalin mo. Ako ang nandito ngayon at ako ang bunga ng pagmamahalan niyo 'di ba?”
Gusto ko isatinig sa kanya 'yon pero alam kong mas lalo lang siyang magagalit. Pinunasan ko ang mukha ko dahil sa mga luhang tumutulo sa mga mata ko.
Her words cut deeper than those sharp things I physically received from her.
Lasing na lasing na naman siya at gaya ng palaging nangyayari, sinasaktan niya ako. Tinatapunan niya ako lagi ng masasakit na salita o 'di kaya ng mga gamit na maaabot ng kamay niya.
Masakit, sobrang sakit. Physically and mentally.
Limang taong gulang palang ako pero naiintindihan ko na ang lahat ng salitang binibitawan niya. I'm just enduring it, like how I used to.
Pero wala... wala akong magagawa, wala akong matatakbuhan. Ang tanging kaya kong gawin ay ang magtago sa loob ng malaking kabinet ito kapag nasa ganitong kalagayan siya. Magtitiis nalang sa sakit mula sa natamong sugat na 'di lamang galing sa mga boteng tumama sa aking balat kundi pati na rin sa mga salitang binibitawan niya...
HINIHINGAL, luhaan at may takot sa puso. That's how I usually start my day.
God! Ganito nalang ba palagi?
Hindi lang kasi basta bangungot iyon. Isa iyong alaala na pilit kong binabaon sa limot, na kahit na anong pilit ang gawin ko, pilit rin ako nitong dinadalaw sa tuwing pinipikit ko na ang mga mata ko, tuwing sakop na ang kamalayan ko ng kadiliman.Oh, God! Nakakapagod at nakakasawa.
Kung sa iba, ang pagtulog ay isang paraan para makapagpahinga pero sakin hindi ito gumagana.
Palagi akong dinadalaw ng nakaraan. Nakaraan na dapat 'di na binabalikan. Pero anong magagawa ko kung ito mismo ang kusang bumabalik? Kung kaya't sa bawat umagang magigising ako ay pagod na ako...
Kamalasan.
Iyan lang ang salitang masasabi kong dahilan. Mula nang nagkamalay ako sa mundong ito, iyan na ang sumalubong sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo tila ba ako ang sumalo lahat-lahat.Ang saklap, God.
Hindi ko nga alam kung may kasalanan ba ako sa nakaraang buhay ko at pinaparusahan ako ng ganito. Halos araw-araw kamalasan ang kasama ko.
Ayoko na nito, nakakapagod. Minsan inisip kong tapusin na lang ang buhay kong ito dahil wala namang silbi. Kagaya ng sabi ni Mommy.Subalit may taong nakapagsabi sa'kin na ang lahat ay may dahilan, dahilan na 'di ko alam kung kailan ko malalaman. Ang tanging alam kong magandang dahilan kung bakit patuloy ako nabubuhay ay dahil ayaw ko siyang saktan.
Nangako ako sa kaniya na kahit anong mangyari 'di ko siya iiwan. Walang iwanan.
I sighed. Nakakapagod mag-isip, nakakapagod mabuhay.
Bumangon ako kasabay ng pagtanggap sa panibagong araw. Tiningnan ko ang oras. It's just 4:05 in the morning. Sobrang dilim pa din lalo na't sirado ang bintana at pinto na hindi pinapasukan ng kahit anong liwanag mula sa labas.
Kakaiba ang dilim nito, hindi katulad ng dilim natatanaw ko kapag pinipikit ko na ang mata ko. Ito 'yong kadiliman na gusto ko.
Kadilimang walang kahit anong bangungot ng nakaraan. Kadilimang mapayapa at may katahimikang nagpapakalma sa kumakabog kong dibdib.
BINABASA MO ANG
Unlucky Fate with You
عاطفيةCamille Fate's story Started: July 17, 2020 Status: On-Hold [Photo used is not mine. Credits to the rightful owner: @just_realism] 2022 na, ano na Camille?