KABANATA 19

22 11 14
                                    

Camille

“A-Ano'ng problema?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang makababa sa sasakyan.

We're going to the party at the moment nang biglang tumirik itong sasakyan niya sa kalagitnaan ng daan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko hindi ito magandang balita basi na rin sa reaksiyon niya.

Napabuga ito ng mabigat na hininga at tila sobrang problemado talaga.

“Camille, pasensiya na. Hindi ako marunong mag-ayos ng sasakyan. The last time I tried, natuluyan.”

I sighed. Yeah, right. Minalas lang naman siya dahil kasama niya ako. Bakit pa kasi nagpadala sa nakakaawang mukha ni Mr. Jan?

He placed his hands on his waist. Nakita kong napapikit ito at bumuntong-hininga marahil ay sa frustration.

“Pasensiya na Eid, mukhang minalas ka na naman dahil sa akin,” I nervously said. Nahihiya na rin akong tumingin sa kaniya.

“N-No, wala kang kinalaman dito. Hindi ko kasi regular na pinapa-check up itong sasakyan.” malumanay niyang sabi.

Paano na kami makakapuntang resort nito? Hindi ko nga alam kung nasaan na kami natigil. Wala masiyadong kabahayan dito at madilim na rin. Malapit na magsimula ang party.

“Sandali lang, hahanap akong signal. Stay here, I'll be back.” Tumango na lamang ako at isinira ang pinto ng sasakyan.

“Bakit kasi ang layo ng resort ng lalaking 'yon?”

Narinig ko siyang bumulong pero 'di ko iyon naintindihan dahil malayo na siya. Sumandal ako sa pinto at tumingala. I crossed my arms on my chest.

The cold yet refreshing air touched my skin. Napayakap ako sa sarili sa lamig na dala nito.

Walang nakasunod sa amin na ibang sasakyan kaya sobrang tahimik ng lugar. I can hear crickets already kahit hindi pa naman masiyadong malalim ang gabi. It's just seven thirty in the evening. Masiyado 'atang secluded ang lugar na ito dahil wala ring signal.

Pinanood ko na lang si Eid habang naghahanap ng signal. He even raised his arms hawak ang cellphone. Bakas rin sa mukha niya ang inis.

Napailing ako. The same Eidemon, I know. Mabilis talaga siya mairita kahit dati pa. Kaya rin siguro masama ito kung tumingin kay Mr. Jan. Though, I can't find any reasons para mainis siya sa lalaki.

Umiling na lang ulit ako. Napadako ang paningin ko sa madilim na parte ng lugar. And just like always, something's pushing me to go there.

I sighed. Umayos ako ng pagkakatayo. Pinailaw ko na lang ang flashlight ng phone ko at itinuon sa naaninag parang puting gate na natanawan ko sa 'di kalayuan. Bumaling ako ulit ako Eid na ngayon ay may kausap na sa phone.

Naglakad ako at inilawan ko na ang daan papunta sa parang gate. Nang makarating ay tumingala ako at inilawan ang nakalagay na mga letra rito.

Mill Hills Cemetery ang nakalagay rito, malinaw pa rin naman kahit may kalawang na ito. Marami ring baging sa gate.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang mapagtanto kung nasaan kami. I clenched my chest when I started breathing heavily.

Mill Hills...

I found myself walking towards the opened gate. Ilang taon na rin... Ang tagal kitang hinanap, nandito ka lang pala?

And just like wind, my tears fell freely down my cheeks.

Mill Hills, dito siya inilibing. Dito kung saan niya gustong ibigay ang bagay na nakasulat sa huling pahina ng libro.

Hindi ko na alintana ang dilim at lamig ng lugar. Ilang beses akong nadapa ngunit baliwala iyon lahat.

Unlucky Fate with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon