Camille
Matinding kaba, takot at tila kidlat ang mga imahe ang pumapasok sa isipan ko. Nangangatal ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan.
Kanina ko pa napansin na hindi pa tumatawag si Kuya noong lumabas kami ng boutique na iyon. Isinawalang-bahala ko na lang kasi baka tulog pa rin 'yon at masiyado rin akong nagalak sa pagsasama namin ni Cole, idagdag pa ang tawag ni Miss Lucky.
Madalas tanghali na siya tumatawag pero halos mag-aalas tres na ng hapon ngayon 'di pa rin siya nagpaparamdam.
Minsan lang pumalya si Kuya sa pangungumusta sa 'kin. Kapag nag-overtime siya sa trabaho or kapag may hang-over siya. Pero wala naman siyang nabanggit na kahit alin diyan sa huli naming pag-uusap.
Lumabas na ako sa elevator at kinuha ang susi ng unit ko. Kahit nanginginig ang kamay ay binuksan ko ang pinto at kumabog lang lalo dibdib ko ng mapagtantong hindi na ito locked.
Muntik ko pang mabitawan ang mga dala ko sa sobrang panginginig. Ang pawis ko ay walang humpay na dumulas sa balat ko at wala rin akong lakas na punasan pa ito.
Oh, my god! Buo sa alaala ko na isinara ko ito ng mabuti kanina. Sigurado ako ro'n. How come that it's not locked?
Dahan-dahan akong pumasok. Walang kahit anong ingay.
Nabitawan ko nang tulayan ang mga bitbit ko sa nasaksihan. Otomatikong napunta ang kamay ko sa aking bibig upang pigilan ang pagsigaw.
Pinaghalong kaba, takot at pagkagulat ang sumakop sa kaibuturan ko nang makitang sobrang kalat ng buong sala. Basag ang glass table. Ang mga picture frame ko ay nasa sahig na at basag rin.
Ano‘ng nangyari dito? Oh, my God!
Nanlalambot man ang tuhod ay dahan-dahan akong pumasok. Natatakot ako sa posibilidad na nasa loob pa rin ang gumawa nito baka kung ano'ng gawin nito sa‘kin.
Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Tumigil ako saglit, kinapkap ang selpon sa loob ng aking bag at nanginginig na i-denial ang number ni Kuya.
Please answer it, Kuya.
Gano'n na lang ang pagkabigla ko nang marinig ang ringtone ni Kuya mula sa loob ng kwarto ko.
My eyes widen at my sudden thoughts.
Siya ba ang gumawa nito? Nagalit ba siya dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya?
“K-Kuya?!” wala sa sarili kong tawag ko sa kaniya.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong tinatahak ang daan patungo sa kwarto ko.
I firmly closed my eyes as I twisted the door knob. I heard nothing but the sound of the opening door and his ringing phone.
Pagmulat ng basa kong mata ay tila binagsakan ako ng langit, tuluyan nang bumagsak ang luha ko nang makita siya.
Lying on the floor filled with broken glasses, bathing with his own blood, closed eyes.
It took me seconds to finally realized what happened.
“Kuya!” umiiyak na sigaw at dali-daling lumapit sa kaniya.
Dahan-dahan kong binuhat ang ulo niya at ipinatong sa hita ko. May malaking sugat siya sa noo niya at tumutulo pa ang dugo.
Tinapik ko siya, “Kuya, wake up!” humahagulgol kong sabi habang niyuyugyog ang balikat niya.
Ilang beses ko pa siya sinubukang gisingin pero wala pa rin siyang tugon. I quickly took my phone and dialed the emergency hotline.
BINABASA MO ANG
Unlucky Fate with You
RomanceCamille Fate's story Started: July 17, 2020 Status: On-Hold [Photo used is not mine. Credits to the rightful owner: @just_realism] 2022 na, ano na Camille?