KABANATA 4

83 25 17
                                    

Camille

"Ang tahimik mo ah, kanina ka pa." Ani Rika nang makapasok kami sa elevator. 'Di kasi kami nagka-usap kanina sa taxi. Yeah, right. Sumakay nga pala kami ng taxi.

"'Di ka pa ba sanay?" I answered casually. I don't want him to tease me again about that guy.

To be honest, 'di talaga mawala sa isip ko 'yung lalaking 'yun. Napabubuntong-hininga na lang ako. Ang weird kasi ng pakiramdam ko sa lalaki na 'yun, e. Para talagang kilala ko siya pero 'di ko maalala.

Kahit nakaka-badtrip yung pag-iwan niya sa 'kin kanina. Hindi siya mawala-wala sa utak ko. Hindi ko na nga naramdaman 'yung takot ko sa pagsakay ng taxi. Talaga bang kinaltok niya ang utak ko, kagaya ng pang-aasar ni Rika kanina?

Parang may nag-uudyok sa 'kin na kilalanin siya. Pero paano naman? Malabo na atang magkita pa kami ulit.

Ang laki ng Iloilo.

Huminga ako ng napakalalim para kumalma ang puso ko. Buti na lang hindi napansin ni Rika dahil 'di ako titigalan niyan kapag napansin niyang balisa ako.

Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? Hindi naman na ako umiinom ng kape.

Kinuha agad ni Rika ang susi ng unit sa bag ko at mabilis itong binuksan. Pagkapasok ay kumuha agad siya ng upuan at pina-upo agad ako.

"Upo ka muna dito, maghahanda lang ako ng lunch. Nauuhaw ka ba?"

I shook my head.

Grabe talaga siya mag-alaga kaya mahal na mahal ko 'to eh. Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan siyang abala sa pag-aayos ng mesa.

Nahuli niya akong nakangiti sa kaniya kaya ayan na ulit ang mapang-asar niyang mukha.

"Ano na naman? Ba't ganiyan ka makangiti? Siguro crush mo talaga 'yung lalaki 'no?" he smirked at nanunuksong nakatingin sa akin.

Crush? 'Yung kuya na 'yon?

"What are you talking about? " kunot-noong tanong ko. Baklang 'to mahilig mang-asar. Inirapan ko siya. Ano ako highschool?

"Sus, deny pa nga! Halata namang iniisip mo siya," I just rolled my eyes because of what he just said. Tama naman siya. Pero hindi ako aaminin, nakakahiya.

Hindi ko naman gusto 'yon.

Si Kuya Enriko lang ang lalaki sa buhay ko, siya lang. Kahit gay pa siya.

May anak na kaya 'yon!

"So, ano ang nasa lalamunan mo na hindi mo pa sinabi kanina?" tumigil siya sa ginagawa at hinarap ako.

Oo nga pala, I almost forgot. Tumikhim muna ako at huminga ng malalim.

"Mag-aapply sana ako ng trabaho," mahinang saad ko. Kumurap-kurap pa ito tila 'di siya makapaniwala sa narinig niya.

I swallowed hard, "I mean kapag magaling na ang paa ko, maghahanap ako ng trabaho."

I bit my lower lip. Hay, kinakabahan ako ah! Kung makatingin kasi siya parang binabasa niya ang nasa isip ko. Loka 'to.

"Maghahanap ka ng trabaho? Okay!" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Gano'n kabilis? Payag agad?

“Sige, maghanap ka lang pero h'wag kang magtrabaho.” dagdag niya na ikinabagsak ng balikat ko.

“Kuya...” Hindi makapaniwalang nasambit ko.

I take a deep breath bago sumagot.

"Kuya, gusto kong magtrabaho. Ayoko nang iasa sa'yo lahat. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. 'Di naman sa sinasabi kong hindi sapat ang lahat ng tulong mo sa'kin pero gusto din naman tulungan ang sarili ko."

Unlucky Fate with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon