KABANATA 3

87 29 17
                                    

Brother

Enriko

"Hello, Camille. Good morning, my love so sweet and the honey is smooth like a butter!" Pasigaw na bungad ko pagkasagot niya sa tawag. Masaya ako, e bakit ba?

Umupo akong muli sa kama. "Kumusta na? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kabilang linya.

Pagkagising ko tinawagan ko agad ang kapatid ko. 'Di pwedeng hindi ko alam kung ano'ng mga ginagawa niya baka kasi makasama iyon sa health niya. Kailangan ko siyang payuhan sa kung ano'ng bawal at hindi bawal. Mahirap na, baka hindi kayanin ng puso niya. My baby is fragile.

Hindi na naman siya umimik sa kabilang linya, ibig sabihin handa na siya makinig sa mga chismis ko. Ang dami pa namang ganap na exciting.

“Alam mo ba? Kumanta na naman ulit ako kagabi rito. Alam mo 'yung kantang what's up? Gusto mo iparinig ko sa'yo! Don't worry, maganda boses ko kaya hindi masisira araw mo sa'kin.” Natatawang daldal ko.

Bet na bet ko talaga 'yung kanta, e. Halos lahat ng costumer kagabi ay gustong agawin sa akin ang microphone.

"Hello Mister, your girlfriend is in the hospital now."

Nanlaki ang mata ng marinig ang sagot niya. “Wow, Camille ah! Marunong ka na rin magboses lalaki? Atsaka my love! Wala akong girlfriend! Oh, sinta!"

Mana talaga sa'kin 'tong kapatid ko pagdating sa pranks, dinig mo 'yon? Nagawang magboses lalaki!

I chuckled, "Alam ko naman na bet mo tumambay ng hospital pero h'wag, ipagdadasal ko sa mga palaka na 'di ka mao-ospital ulit. Walang pogi do'n sis, baka turukan lang ako ng pampatulog kapag doon ako lumandi!” dagdag ko pa.

“This is not Camille Mister. As I was saying nandito talaga ang girlfriend mo sa ospital.”

Ang lamig!

Namilog ang mata ko ng mapagtantong hindi na pala ito prank. Lintik! Kailan pa naging transgender ang kapatid ko para mag-boses lalaki?

Humingang malalim ako at tumikhim. Gago, nakakahiya! Ako ang lalaki at lalaki ang nasa kabilang linya. Kalma 'dre!

"Teka Mister, ano'ng ginawa mo kay Camille? Bakit nandiyan siya sa Hospital huh? Saang Hospital? At sino ka ba? Bakit na sa'yo ang cellphone niya? Hoy! Sumagot ka?" tumaas na agad ang boses ko pero wala akong pakialam kung ano'ng isipin niya. Kaloka.

Gago, asan ang kalma doon ' dre? Pero ano ba kasing nangyari kapatid ko na 'yon. Agad na sumibol ang kaba sa dibdib bawat segundong naririnig ko sa background ang ingay ng ospital. Seryoso nga siya!

"Hello, can you please calm down? 'Di mo malalaman ang nangyari kung ganiyan ka." Kalmado siya pero 'dre... tunog mayaman.

Aba!

Yabang nito ah! Bakit kasi 'di nalang sagutin ang tanong ko at saka mukhang ba akong may asawa at Mister siya nang Mister sa'kin. Ugh. Stress ang makapal kong kilay nito eh. Pero sige kakalma na ako!

"O-Okay fine, what happened to Camille? Ba't nasa ospital siya? At saang Ospital?" mahinahon kong tanong.

'Di naman siguro mahahalata nito taong 'to na bakla-baklaan ako. Paninindigan ko muna ang pagiging boyfriend eme ni Sissy. Yuck!

"Nawalan siya nang malay kanina sa plaz—" Gago!

"Ano? Kinaltok mo ba ang utak niya kaya na-shut down?" pasigaw na tanong ko. Shit.

"Tss. Kalma Mister. Patapusin mo muna kasi ako, okay? At hindi nakakaltok ang utak."

"Fine," Naku! Naloloka na ako dito, e.

Unlucky Fate with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon