KABANATA 10

72 22 4
                                    

Camille

“Hey Fate, I'm sorry, please talk to me.”

That was the last thing I heard from him before I and Eidemon went down from the rooftop.

I was stuck there with him like how I am always stuck with uncertainties.

I was in the middle of those thoughts when the police I was with inside this elevator spoked.

"Ano pa lang ginagawa niyo do'n? Magkakilala ba kayo no'ng lalaki? "

Nagulat ako sa biglaang tanong nito. I don't like the tone of his voice. It was like he was or he is really bothered about it.

I don't know. Baka naabutan niya akong nag-aalburoto sa lalaking iyon.

Bumaling ako sa kaniya. Hindi naman ako nakasagot agad.

Okay. I should just stick to my mind that he is worried about my safety. It's because he is a police and he's afraid that I'll got in trouble. That will turns out to be his negligence and failure as a police if something happened to me.

That's it. That's right.

"Hindi po, naabutan ko lang po siya do'n. Nagpahangin lang din ako saglit do'n. Hindi ko naman alam na nalo-lock pala ang pinto kapag sinirado mo kaya medyo nagka-misunderstanding lang." I lied and painted a smile on my face.

Tumango-tango lang ito at ipinasok sa bulsa ang dalawang kamay. Mukhang kumbinsido naman ito sa sagot ko.

Effective ang ngiti ko. Wow, kahit pulis naloloko ng ngiting 'yon.

Hindi na ito nagtanong pa muli hanggang sa makababa kami. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag kaya napatigil ako sa pagsunod sa likuran niya.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at sumenyas ako sa pulis na mauna na ito nang makitang hinihintay pala niya ako.

Nagtataka man ay tumango lang at naglakad palayo.

"Hello?"

"Cams! Nagtatampo na talaga ako sa 'yo. Bakit 'di ka nagrereply? Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa 'yo!"

Umawang ang bibig ko. It's Cole. Bakit hindi ko man lang tinignan ang phone ko kanina?

Oh, my god! Nagiging makakalimutin na rin 'ata ako.

"Hello? Andiyan ka pa ba? Are you okay? Nasa‘n ka? Pupuntahan kita diyan." dagdag pa nito ng hindi ako sumagot. Here he goes with that distressed tone.

Bakit ba ganito na lang siya mag-alaala sa‘kin? He is acting strange.

"I-I'm sorry Mr. Cole, okay lang ako! Pupuntahan na lang kita diyan. Pasensiya na ha."

Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya.

"And now, you're calling me that again. Did you forgot about me?"

Sadness and regret crept into me. He seems really upset with me. And I don't like it.

These guys. They'd just came into my life all of the sudden. Eidemon, ilang taon na ang lumipas tapos bigla siyang nagpakita at bumalik. And those two, coincidence lang naman lahat hindi ba?

"I'm sorry, babawi ako ngayon, promise. Hintayin mo 'ko diyan."

"Okay..." Nagulat ako sa lamig ng boses nito pati na rin sa biglaang pagbaba ng tawag.

I sighed. I decided na dalhan na lang ito ng pagkain para sabay na kami. Hindi pa ako nakakainom nang gamot at thirty minutes na lang ay kailangan ko na itong inumin.

Unlucky Fate with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon