Camille
Dumating ka na ba sa punto na gustong-gusto mo nang sumuko? Gusto mo nang magalit sa taong mahal mo? Gusto mo nang tumigil sa paghinga?
Kasi ako, oo.
Pero kahit isa wala akong napagtagumpayan. Ang hirap maipit sa mga desisyong lalo lang magpapasakit sa‘yo.
Pagod na pagod ka na pero kumakapit ka pa rin. Ubos na ubos ka na pero mahal mo pa rin. Sobrang mabigat at mahirap na pero humihinga ka pa rin.
Is that about being strong? Or just completely about the lost soul who's just going with the flow?
"MA'AM, o-okay ka lang po ba?"
Napakurap-kurap ako sa biglaang pagtayo ng lalaki. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.Napalunok ako ng mariin dahil may kung ano'ng nakabara sa lalamunan ko.
"A-Ah, oo, ayos lang ako," sabi ko bago umupo sa harap niya.
My God!
Mukhang mahinahon na siya pero ang lungkot pa rin ng mukha niya. Bakit kailangang harapin niya ako ng ganiyan? Para maawa ako sa kaniya at hindi na ituloy ang pagpapakulong?
Hindi naman ako ang magde-decide. At kahit ako ang papipiliin, hindi ko alam kung ano ang dapat.
Hindi ako nasaktan o nagalusan man lang sa mga kamay niya. Nararamdaman ko rin na mabuti siyang tao sa kabila ng nangyari.
Pero bakit ba ako ganito? Bakit ngayong pinagmamasdan ko siya ay bumabalik ang alaala ko na kasama si mommy?
My Mom? Yes, I miss her that I can't face someone this weak and miserable.
I can't! Bakit kailangan ko pang maalala 'yon?
Naninikip ang dibdib ko ngayon at pinipigilan ko lang ang sariling ibuhos ang nararamdaman.
Bumuntong hininga ako at tumingala para pigilan ang luhang gustong lumabas.
"I-I'm sorry, I can't take this anymore... " tumingin ako sa kaniya.
Ang lungkot sa mata niya ay mas nakadagdag pa sa bigat ng nararamdaman ko. D-mn it!
Oh, my god! I didn't know that seeing someone like this can break you even more. Bakit ang sakit-sakit sa pakiramdam ang makita ng taong 'sing hina ko?
I quickly took my bag and stood up, "Excuse me," I said and stormed out of the visiting area.
Alam kong nagulat siya sa inasta ko pero hindi ko na siya nilingon. Hindi ko na kayang makita siyang gano'n, mas gusto ko pa 'yong expression niya sa una naming pagkikita, 'yung parang galit, 'yung parang may ginawa ako sa kaniyang masama.
Gusto ko siyang makitang malakas.
Lumabas ako ng police station, muntik na naman akong madapa pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon.
Masiyadong mabigat ang nararamdaman ko at halos wala na 'kong ibang maramdaman kundi ito lang.
I must admit it. I miss her, my mom. I can't believe that I'm missing her right now.
"M-Mommy," tumulo na ng tuluyan ang kanina pang nagbabadyang luha sa mata ko.
My mother. I miss her so bad that I can't think of any reason, even a tiny one, why am I feeling this way. Akala ko tanggap ko ng mag-isa na lang ako, na talagang hindi niya ako minahal kahit isang segundo.
I don't even know why am I missing her after all the things that had happened between us. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa kaniya kahit ang pagtrato niya sa akin noon ay hindi naman pagtrato ng isang ina sa anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/233386644-288-k121412.jpg)
BINABASA MO ANG
Unlucky Fate with You
Любовные романыCamille Fate's story Started: July 17, 2020 Status: On-Hold [Photo used is not mine. Credits to the rightful owner: @just_realism] 2022 na, ano na Camille?