Camille
There are days that I really need to admit something about myself, it may be big or small.
Most days, my mind is polluted with fire, ashes and gases... I'm having a hard time cleaning it and will just turned out miserable.
What happened this day was another piece of rubber that has been burned out mercilessly. And just by accepting the fact that I survived and survived, I know there's a lot more coming...
I inhaled Rika's positivities as soon as that shocking face of him resided on my mind. Even with that dark shade that surfaced in his face, even with that thunderous voice... he will always be my source of something I don't have.
Halos trenta minuto niya rin akong ginisa ng mga tanong. Walang tigil ang bibig nito sa kasesermon sa akin kung gaano siya kaalala hindi niya raw ako ma-contact. Napatawag tuloy siya kompaniya at nalaman na dinala ako sa clinic.
Wala na rin akong nagawa kundi ang sabihin sa kaniya kung saan ako nagpupunta ngayong gabi na ako nakauwi at bakit maaga akong pinauwi ng boss ko at higit sa lahat kung bakit ako dinala sa lugar na iyon.
What happened earlier will be one of my fabricated excuses. Ayokong mas lalo siyang mag-alala kahit alam ko na hindi iyon mawala-wala sa kargo niya.
Hindi nakatakas ang mga katanungan patungkol sa lakad namin ni Eid. S'yempre alam ko namang may pagka-tsismosa itong si Kuya kaya pati pinag-usapan namin ni Eidemon kanina ay hinalungkat niya rin.
He did not notice my swelling face. Baka nga nawala na ang pamumula, hindi ko ito natingnan kanina bago pumasok.
"So gano'n? Nililigawan ka na ulit? May pa-date pa kayo ah! Talandi! Wala namang label." pouting lips, arms crossed against his chest, his grimace did not escape my sight.
Namilog ang mata sa sinabi niya iyon. Biglang uminit ang mukha ko kaya agad akong pumasok sa kwarto at hindi na siya sinagot.
Napabuga ako ng hangin. Oh, gosh! How the heck could he think that way? Wala ngang malisya sa‘kin 'yon kahit papaano.
Sumunod ito sa'kin kagaya ng inaasahan.
"Hoy, my love! Alam ko na medyo magandang idea kung magpapaligaw ka ulit sa lalaking 'yon para mas safe ka lalo pero hindi talaga ako pabor diyan sa lalaking 'yan. Mas bet ko 'yung boss mo,"
Pakiramdam ko tumigil ang mundo sa utak ko sa pabanggit niya ng salitang iyon.
What!?
Without even thinking about my reaction, I faced him.
"Ilang beses ka nga tinulungan no'n? Hay kung ako sa'yo kanina ay nagpahatid ako! Grabe, sinampal ka lang ng mesa wala ka na agad gagawin? Sis! Saan makakahanap ng isang Handreion slash Mr. Jan Rovero?" kaonting pisil na lang 'ata ng kilig sa katawan niya ay titili na ito.
Oh, my God! Ewan, parang nagiging mangmang ako kapag siya ang pinag-uusapan!
"Rika naman, e! A-Ano bang pinagsasabi mo?"
"Sus at saka 'di ba sabi mo kanina siya naman talaga si Mr. Jan. Ayie! For sure gusto ka no'n!"
Tuluyan na akong napasimangot sa sinabi niya. Walang gusto sa akin 'yung tao na iyon. Sadyang gano'n lang siya sa lahat.
Bumuntong hininga na lang ako, hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang ulit sa sala ang pinamili ko.
Nagising rin si Kuya Enz sa sigaw ko kanina kaya ngayon sabi niya'y magmo-movie marathon na lang siya raw dito sa sala.
BINABASA MO ANG
Unlucky Fate with You
RomanceCamille Fate's story Started: July 17, 2020 Status: On-Hold [Photo used is not mine. Credits to the rightful owner: @just_realism] 2022 na, ano na Camille?