Camille
Bumalik ako sa cottage pagkatapos ng halos trenta minutong pagbibilad sa pang-umagang araw. Hindi ito masakit sa balat.
Sobrang gaan din ng pakiramdam ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon natupad ang isang kahilingan ko—naming dalawa ng kaibigan ko.
Wala man siya rito ngayon sa tabi ko, alam kong masaya ito para sa amin.
Kanina habang pinagmamasdan ang pagsilip ng araw, tila naghuhudyat ito na magkakaroon na ulit ng bagong pag-asa.
For the past years, ang tanging pag-asang mayro'n ako ay sina Kuya Enriko at Tita Enna.
Nawalan ako ng pag-asa para sa sarili ko. Hindi ako ang lumaban para sa buhay ko sa totoo lang.
Nagpatuloy ako kasi ayoko silang saktan, nagpatuloy ako para sa kanila.I'm just spending my life... for they hoped for me to continue... not because I really do want to. Kung hindi nila siguro nailigtas at napigilan ay hindi ko makilala si Ruby, siguro mas nauna pa ako sa kaniya roon.
Naghihintay na lang talaga ako.
BUMALIK ako sa cabin at kagaya ng inaasahan gising na si Eid. Ngunit hindi yata magandang umaga ang bumungad sa kanilang dalawa.
Oh, God!
Hindi lang siya ang naroon. Natagpuan ko silang dalawa na muntik ng magsuntukan ng walang iba kundi ang boss ko— katunggali ni Eid. Kung hindi siguro ako dumating ay baka madugong cabin ang matatagpuan ko ngayon.
“Stop, will you? Please... Hindi nga kayo nagsuntukan ngayon pero baka mamaya matuloy pa 'yan dahil sa tinginan ninyo.” pag-aawat ko sa dalawa sa hindi mabilang na beses.
Oh, my God! Never in my life na nailabas ko ang frustrations ko at sa dalawang ito pa talaga. Acting like kids and I'm their big sister.
Hindi ko alam kung bakit nag-aaway ang mga ito ngunit noon pa man ay masama na ang timpla ng dalawa sa isa't isa lalo na si Eidemon. I'm not dense to not notice.
Walang kumibo sa dalawa. Kahit ang humingi ng pasensiya sa isa't isa o kahit sa akin na pinag-alala o ininis nila ay wala. Sadyang mabibigat pa rin ang hininga nilang dalawa habang pilit na itinutuon ang paningin sa akin.
Oh, my God! Bakit ba ako naiipit sa dalawang ito?
For all I know, empleyado lang ako ng isa at guard ko kuno ang isa.
Ayoko na ngang isipin ang dalawa dahil sa nangyari kagabi lang ngayon naman ay talagang mag-aaway sila sa harapan ko. Gutom na gutom na nga ako at ito pa ang nasaksihan.
Wow, ang sarap ng pang-umagahan ninyo sa akin, ah! Gusto ko man isatinig iyon ay 'di ko na tinuloy. Tss!
Agad akong dumiretso sa mga gamit ko at mabilis na iniligpit ito. Gusto ko nang umuwi. At ang planong isama si Eidemon sa puntod ni Rub ay nalihis na.
Ayokong masira ang araw na ito dahil sa kung sino kaya napagpasiyahan kong mag-commute na lang.
Marunong naman ako. At kakayanin ko mag-isa.
Ramdam kong umayos ang tindig ng dalawa nang bitbitin ko ang mga gamit ko. Naglakad na ako palabas at hindi man lang sila tinapunan ng tingin. Kahit pulis at boss ko ang mga iyan. They don't possess professionalism now.
Bahala kayo riyan!
Ang akala ko ay pipigilan nila ako ngunit mali 'ata ako ng pag-aakalang matatapos na ang away or should I say bangayan nila dahil hindi man lang nila ako sinundan. Padabog ko tuloy na isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Unlucky Fate with You
RomanceCamille Fate's story Started: July 17, 2020 Status: On-Hold [Photo used is not mine. Credits to the rightful owner: @just_realism] 2022 na, ano na Camille?