KABANATA 9

57 25 0
                                    

Camille

Nakarating na kami sa ospital nang binabagabag pa rin ako sa tanong ng pulis na kasama ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may taong nagawang pagtangkaan ang buhay ko o namin ni Kuya. Ang malala pa ro'n ay wala akong ideya kung sino ang may pakana.

Hindi pa ba sapat lahat? Kailangan bang ubusin ako at abangang sumuko?

Oh, God...

Ganoon ba talaga ako kasamang tao sa nakaraang buhay na ngayon, kahit mahal ko sa buhay ay nadadamay?

Tinulungan ako ng pulis na bitbitin ang mga gamit na dala ko. Dalawang travel bag iyon na magkasing-laki. Ako naman ang nagdala dalawang Eco-bag ng mga pinamili kong pagkain.

Dumeretso kami kaagad sa kwarto kung saan si kuya naka-confine. Naabutan pa namin na halos makatulog na ang isang pulis na nakabantay.

Wala siyang pinagbago. Antukin pa rin. Napailing ako dahil sa mga inaalalang pangyayari sa nakaraan.

Nakaraan na, okay? H'wag nang ungkatin. God!

Tumigil ang kasama ko sa mismong harapan nito. Nilapag niya sa sahig ang isang bag na dala at tiningnan ng masama ang kasama nito.

Hindi pa rin ramdam ng lalaki ang presensiya namin kaya yumuko ito ng kaunti at tinampal ang kamay kung saan nakapatong ang tulog mantikang ulo nito.

Natawa ako nang taranta itong tumayo na akala mo'y may putukan sa paligid dahil luminga-linga pa ito sa habang hawak baril na nasa kilid ng beywang niya.

Ilang saglit pa bago mahagip ng katinuan niya na nasa harapan niya kami.

“A-Anong nangyari?” natataranta pa nitong tanong at mariing lumunok. Tuluyan na akong natawa sa inakto niyang 'yon.

“Ikaw? Ano'ng ginagawa mo? Hindi ba't napag-usapan natin na huwag munang matulog hangga't hindi ko sinasabi?”

Napapahiyang yumuko ito at kinuha ang dalawang bag. Umirap na lamang ang matanda at sumunod sa lalaking pumasok sa loob.

Papasok din sana ako pero naalala kong kanina pa sila nakabantay kaya baka hindi pa sila kumakain.

“Excuse me po, kumain na po ba kayo ng dinner?”

Tumango naman ang mga ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi pa ako kumain kaya sana lahat.

Pero hindi naman ako nagugutom, mamaya na lang. Kailangan ko na rin sundin ang tamang oras nang pag-inom ng gamot dahil nabago ulit ito dahil sa nangyari kanina.

Nagpaalam sila na sa labas lang magbabantay.

Bumaling ako kay Kuya. Ang himbing-himbing pa rin ng tulog nito. Paniguradong sobra siyang napagod sa lahat ng nangyari dahil kahit ako rin ay gano'n din. Palagi naman akong pagod, walang pagbabago.

Ano na lang ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawala sa'kin?

Tumingala ako.

Just thinking about what happened earlier made me want to burst out again. Gusto kong may mapagsabihin ng mga iniisip ko pero hindi ko naman kaya.

Ang dami na naming napagdaanan ni Kuya. Kung tutuusin parang magulang ko na siya. He is too caring like a mother and too strong for a father. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang kaligtasan at kasiyahan niya.

We've been together for almost ten years now. I survived so many years because of them, Tita Ennajelda and him- because they're always there for me. I almost give up my life if it wasn't for them. Tinulungan nila akong bumangon.

Unlucky Fate with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon