Camille
Days had passed at 'di na ako nakatanggap ng kahit na anong mensahe mula sa Mr. Jansen na 'yon.
Kahit medyo kumikirot pa ang paa ko, pinilit kong mag-apply ng trabaho. Urgent hiring daw. So I grabbed the opportunity.
And now, here I am standing in the company's pavement. I'm with my brother, of course. Siya ang nag-recommend sa'kin na dito mag-apply, kaya s'yempre hinatid niya ako.
They're looking for a secretary. I don't even know if I'm fit for this job since I don't have any work experience. Well, hindi naman masamang subukan.
Tinapik ni Kuya ang balikat ko. I was looking up to that towering building in front of me right now. Kinakabahan ako pero pilit ko lang na pinapalakas ang loob ko. Desisyon ko 'to kaya kailangan ko itong panindigan.
"Kuya, hawakan mo nga ang kamay ko," wala sa sariling sambit ko.
'Di siya gumalaw kaya lumingon ako sa kaniya. Nakita ko na nagtataka siya sa sinabi ko pero ginawa naman niya. Pinikit ko nang mariin ang mata ko at huminga nang malalim. Kaya ko 'to.
"Good luck sa 'yo sis! Pero sana 'di ka matanggap. Magpapahanda ako sa bar kung sakali! Excited na akong malasing ng bongga!" tiningnan ko siya nang masama kaya napa-peace sign siya at ngumisi ng pilit.
Loko! Akala ko ba suportado na niya ako. Umirap na lang ako.
"Oh siya, pumasok na tayo. Ten minutes late ka na sa call time oh! Akala ko tuloy umatras kana sa plano mo. Baka magka-totoo ang sinabi ko, bahala ka." pananakot pa niya.
Paanong hindi male-late? E, nagtalo pa kaming dalawa sa sapatos na dapat susuotin ko ngayon. God!
Well, nagtagumpay naman ako sa pagsuot ng flat shoes.
Huminga ako malalim at tumango.
We went straight to the reception area at tinanong kung saang floor ang hiring. 3rd floor daw.
"Oh, kaya mo na 'yan! Hanggang dito lang ako, e. Good luck sis!" Pamamaalam niya.
Wala pa naman siyang pasok dahil mamayang gabi pa 'yon pero uuwi siya para magpahinga.
Mas nakaramdam ako ng matinding kaba dahil ako na lang mag-isa. Huminga ako ng malalim at tumulak na papuntang elevator.
Unfortunately, puno na ang elevator kaya kailangan ko pa maghintay, nakita ko kasing hanggang 17th floor pa ang aakyatin nito. Pero late na ako!
Wala akong choice kundi ang gumamit ng hagdan."Sir, excuse me po... Saan po 'yung hagdan paakyat po papuntang 3rd floor?" tanong ko sa lalaking may makapal na salamin nang magkasalubong kami.
Tiningnan niya ako, head to toe bago itinuro ang daan. I'd ignored his malicious stare. Nakakatakot na tingin pero hindi 'yan ang kailangan ko ngayon.
Oh God! Nasa dulo pa ito ng pasilyo.
Agad naman akong nagpasalamat at dali-daling naglakad papunta roon. Ang laki ng building na ito, sana lang hindi ako magmukhang basang-sisiw dahil sa pawis pagkarating ko doon.
Huminga ako ng malalim at sinimulan nang umakyat. Hindi nga ako nagkamali, nakakapagod umakyat!
Oh, my God!
Nahahapo akong humawak sa handrail. Shocks! Makakaabot pa ba ako sa interview?!
Hindi ko na ininda ang pagod at nagpatuloy. Inisip kong dapat makarating ako sa taas at makaaabot sa interview.
Nakatulong din ang hindi ko pagsuot ng high-heeled shoes.
Makailang beses akong huminga ng malalim nang sa wakas nakarating din. Agad kong hinanap ang kwarto kung saan gaganapin ang interview.

BINABASA MO ANG
Unlucky Fate with You
RomanceCamille Fate's story Started: July 17, 2020 Status: On-Hold [Photo used is not mine. Credits to the rightful owner: @just_realism] 2022 na, ano na Camille?