Kabanata 14

38 1 0
                                    

Kabanata 14

Scene

It was a good talk with Denver. I was so glad that he let me explain my side first before anything else. Kahit pa inaasahan ko ay matagal bago niya ako kausapin muli ay masaya ako na hindi ganoon ang nangyari.

I expected worse of his reactions because we both knew how he gets angry with people. Tao rin naman siya, nagagalit at may sagaran ang pasensiya. I just couldn't believe how he could hear me out in a calm way.

Gayunpaman ay nakatulog naman ako ng maayos noong gabing iyon. Although my mind was still clouded with thoughts, I can say that I had no troubles when it comes to falling asleep that night.

O baka naman dahil pagod lang ang buong katawan at utak ko noon? Either way, I am just thankful that I had explained everything to Denver.

Alam ko na kahit sabihin niya na hindi niya kayang magalit sa akin ay hindi pa rin ayos ang lahat. Kahit na hindi naman tuluyang lumayo ang plano namin nila Boss Franz ay ayos lang iyon.

I still want to make up to him. Just the thought of him getting mad and confused of why I can do that just makes my heart ache for some reason.

Para bang ayaw ko pero hindi ko alam kung bakit ayaw ko. I don't even know if that is possible pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.

I woke up because of my alarm. Napakalakas ng tunog nito na para bang pati kapit-bahay namin ay magigising.

Naiirita kong kinusot ang aking mata. I think it's a bad idea to wake myself up this early. Sigurado ako na hihilata lang ako rito, kakalikutin ang cellphone, hanggang sa makikita ko na lang na tirik na tirik na ang araw.

Tamad kong kinuha ang aking phone sa bedside table. It kept on vibrating as the loud ring of the alarm goes on. Pinatay ko iyon at nakita ang isang reminder na nakalagay doon.

"Edit your video."

I grunted loudly as I read my reminder first thing in the morning. Muntik ko nang makalimutan 'yong video na kailangan kong i-edit! I was so tired yesterday that I forgot about it!

Kahit na hinihila pa ako ng malambot na kama ay pinilit ko ang sarili na tumayo. I went straight to the bathroom and did my skincare.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang laptop at diretso humiga sa kama. It urged me to become lazy for a moment. Buti na lamang ay nalabanan ko iyon.

Umabot ako hanggang alas nuwebe ng umaga bago matapos sa pag-edit. I was in the middle of saving my video when Ate Paula called me. Agad ko namang sinagot iyon.

"Hello?" I greeted.

[Good morning,] Ate Paula greeted in a monotone. [Puwede ba kayong pumunta ni Denver dito? I will explain some terms and conditions that were changed in the contract doon sa isang shoot niyo ng advertisement.]

"Okay. Sasabihan ko siya. Nagmamadali ba? Puwede bang mga after lunch na lang kami pumunta riyan?"

Tumayo ako at lumapit sa aking closet. I skimmed through the clothes that were hanging there. Kumuha ako ng isang white cropped top na susuotin ko mamaya sa pag-alis.

[Hindi naman ako aalis ng building ngayon kaya sige lang.]

"Okay. See you later," paalam ko bago binaba ng tuluyan ang tawag.

I got a pair of mom jeans to complete my simple outfit for later. Pagkatapos ay nagtipa na agad ako ng text kay Denver.

Ako:

Pinapapunta tayo ni Ate Paula sa building mamayang 11 a.m. Can you pick me up?

Hindi ko na hinintay ang reply niya at binalikan na ang laptop ko sa kama. When I saw that it will take a little more minute before the video will be finished, I went out to eat a small breakfast.

Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon