Kabanata 1
Odd
"And... cut!"
I let out a deep sigh as soon as Nazneen stopped the recording of the camera. Bagsak ang aking balikat habang tinatanaw ang nakakalat na make-up sa mesa.
Hindi naman sa ayaw kong gawin ito. Siguro ay pagod lang akong kaka-film ng mga videos kaya madalas ay gusto ko na lang humiga ng iilang oras kaysa gawin ang mga ito.
Well, that's life. If you want something, you always have a price to pay. I want to reach my dreams so I need to work my ass hard to achieve my far-reaching dreams.
Tamad kong inabot ang make-up removing wipes sa gilid. This make-up on my face seems to irritate me since I don't even have the energy to do these stuff.
I took out one piece of wipe in the container. Hindi ko pa man napapahid sa mukha ko iyon ay pinigilan na ng isang kamay ang kamay kong nakahawak sa wipes
"Bakit?!" bakas ang iritasyon sa aking tono.
"You're going to take a picture first, dumbass."
Kinuha ni Naz ang wipes sa kamay ko at saka nilagay iyon sa ibabaw ng mesa. She's holding her DSLR while impatiently waiting me to stand up.
I placed my elbow on the table, getting ready to rest my cheek on my palm. Natigilan ako nang masulyapan ko siya sa aking gilid.
Huminga ako ng malalim nang masalubong ang matatalim niyang titig.
"'Eto na!"
I stood up lazily. Lumapit ako sa pader kung saan nakatutok ang nakasindi ng ring light doon.
Naz placed herself behind the ring light. Pinuwesto niya ang kanyang DSLR sa loob ng bilog doon.
I unconsciously yawned while waiting for her. Sa sobrang pagod ko ay 'di ko na ito napigilan,
"Gusto ko nang matulog," I uttered softly.
Nilingon niya ako ng isang beses saka bumalik sa pag-aayos ng angle ng camera.
"Then strike your best pose so that we can get this over with."
I groaned loudly which made her chuckle a little.
"Dalian mo na!" ngayon ay mas naging strikta ang tono niya.
Umayos ako ng tayo at tumingin sa camera. This is not new to me since I have been doing this since I was a kid.
The flashes of the camera, the instructions of the director, talking to the camera... I'm used to all of it. Hindi naman ako nagsisisi dahil ito na talaga ang gusto ko noon pa man.
I angled my face that will flex my look.
Medyo gamay ko na rin ang larangan ng pagmo-modelo dahil sa panay na pag-picture para magkapag-post sa Instagram.
I am not good at it but I can still pull off some pose that I usually do.
Nag-ingay ang camera hudyat na kinukuhanan na nga ako ni Naz ng pictures.
We've been like this since we became friends. Tutulungan niya ako sa pagshoo-shoot ng videos na i-uupload ko sa aking Youtube channel at siya rin ang kumukuha ng mga pictures ko bago kami umalis para sa isang galaan.
Pinipigilan ko nga siyang gawin ito pero hindi naman niya ako pinapakinggan. She always insist in doing these things. May pagkakataon pa ngang siya na mismo ang unang gagawa ng mga ito.
"And... last!"
Isa pang click sa camera ay tumakbo na ako papunta sa kuwarto. The urge of sleeping is just so near me and my craving for the bed is overflowing.
![](https://img.wattpad.com/cover/233681202-288-k276541.jpg)
BINABASA MO ANG
Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)
Novela JuvenilRedes Sociales Series #1 Estefania Cheza Vidal only has one dream in her life since she was a little girl: to influence other people and to showcase her talents. She will do anything just to pay off the hard works she did for her career. Until one v...