Kabanata 2
Fear
"Dummy account 'yun, girl. Promise. I swear!"
Iyon ang unang bungad sa akin ni Ate Paula nang makapasok siya sa bahay. Napabalikwas pa 'ko sa aking kinauupuan nang marinig ko siya.
Kakatawag ko pa lang sa kanya last fifteen minutes ago pero narito na agad siya sa harap ko.
Mala-race car ata ang kotse nito?
"How are you so sure?" tanong ni Naz habang isa-isang binabasa ang mga tweets sa kanyang cellphone.
She immediately went to me as soon as she woke up. Wala pang hilamos at naka-pajama pa nang dumating dito.
"Sure na sure!" buong loob na sambit ni Ate Paula. "Sure pa sa forever kang walang jowa."
Inabot ni Naz ang isang throw pillow sa couch at hinagis iyon sa naglalakad papasok na si Ate Paula.
Puno ng bigo kong hinilamos ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay.
There were so many people who saw that comment. Hindi ko naman ma-delete iyon dahil baka mahalata ako ng mga tao sa pagiging sobrang affected ko.
I had one pet peeve in this industry. I hated to be linked with anyone. Mahirap kasing matambal sa ibang tao dahil kapag nagkaroon ng relasyon ang isa ay paniguradong magkakagulo.
Some people just want these two people to be together forever like we don't have a choice for ourselves.
Despite being in this industry, I want to have my freedom like other people have. Gusto kong ako ang pipili kung sino ang gusto kong makasama. Hindi 'yung dahil pinili ito ng management ko.
I want genuine love. I want a love who really wants me as myself. Not the famous Estefania Cheza Vidal they all know.
However, kung sinabi ni Boss Franz at Ate Paula na kailangan o kaya naman ay itatambal lang para sa isang sponsorship, then it's okay.
Ayaw ko lang ng pang-kontrata. Iba nang usapan iyon.
"Pero in fairness, dumami ang followings mo, girl, ha."
Hindi ko makapaniwalang tiningnan si Ate Paula. "Is this even a good thing?"
"Malay mo," nagkibit-balikat siya.
"Ate!" singhal ko . "You know how much I hate being linked with people!"
"But your likes and views are slowly decreasing, Stef. Ngayon lang sumabog ng ganito ang video mo," aniya saka umupo sa pang-isahang couch.
"She can regain those views without anyone. Matagal na niyang ginagawa ito pero tingnan mo... hanggang ngayon, sikat siya," sagot ni Naz. "She can do it without the man's help."
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Naz.
Bumuga ng marahan na hininga si Ate Paula. Ang nakababang buhok na nang-iistorbo sa kanyang mata ay kanyang hinawi.
"Nakausap ko na si Boss Franz na i-contact ang last boy na nakausap mo dahil siya ang dahilan kung bakit ka trending ngayon," ani Ate Paula na problemadong-problemado ang istura.
Umusbong ang kaba sa aking dibdib. Kung si Boss Franz ang nagsabi ay kaunting tiyansa na lang ang makukuha ko ang gusto ko.
If he has a say on something, you should believe it since he knows what's best for the company's artists.
"Nagustuhan niya ang pag-init ng pangalan mo ngayon. Gusto niya na makasama mo sa iilang mga projects ang lalaking 'yon para makita natin kung iinit pa rin ba ang pangalan mo sa masa o hindi," dagdag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/233681202-288-k276541.jpg)
BINABASA MO ANG
Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)
Ficção AdolescenteRedes Sociales Series #1 Estefania Cheza Vidal only has one dream in her life since she was a little girl: to influence other people and to showcase her talents. She will do anything just to pay off the hard works she did for her career. Until one v...