Kabanata 10

43 1 0
                                    

Kabanata 10

Hudson

Naghari sa studio niya ang katahimikan. It was so quiet that I could hear the the cold wind coming from the aircon of the room.

Our eyes never left each other. Pansin ko rin na habang patagal ng patagal ay mas lumalalim at nadedepina ang naghahalong emosyon sa kanyang mata.

My breath hitched for a moment. I was running out of breath because of the intensity of his eyes!

We stayed like that for I don't know how long. No one dared to talk, move, nor leave one's gaze. Para bang nasa staring contest kami at walang gustong magpatalo!

Siguro ay aabutin kami roon ng siyam-siyam kung hindi lang namin narinig ang isang malamyang katok sa pinto.

Hindi ko inalis ang tingin kay Denver. I saw how he looked away and sighed deeply. Binaba niya rin ang acoustic guitar at pinatong sa binti ng inuupuan niyang high chair.

Sinundan ng paningin ko ang katawan niyang naglalakad papunta sa pinto. His walk looks so manly. Dumagdag pa roon ang pagpasada niya ng kamay sa kanyang buhok.

Pagkabukas niya sa pintuan ay lumuwa roon ang nakausap niyang kasambahay kanina. Nakita ko ang mabilis niyang pagpasada sa loob na para bang hinahanap niya ako.

"Sir, nasa baba na ho si Ma'am. Pinapababa ho kayo ng bisita niyo para kumain ng hapunan," rinig kong sambit ng kasambahay sa mahinang boses dahil medyo may kalayuan ang puwesto ko sa kanila.

"Okay po. Please tell her we'll be there right now," sagot ni Denver.

Tumango ang kasambahay at siya na rin mismo ang nagsara ng pintuan. Bumaba na rin ako sa high chair para makapunta kami ni Denver sa dining area agad.

Ayaw ko namang paghintayin ang Mommy niya.

I was stunned at my thought.

Oh my... I'm going to meet his Mom! Hala, hindi pa naman maayos ang damit na suot ko! Dapat pala nag-jeans na lang ako para naman medyo casual!

I heard Denver sighed. Hinarap niya ako at naglakad papunta sa akin. He has this serious look while I watch him come near me. Gone the lightness that I see in him.

"Let's go. I'll introduce you to Mama."

Kumunot ang noo ko sabay tingin sa suot. Inangat ko muli ang tingin sa kanya.

"Hindi presentable 'yung suot ko," I told him. Pinasada ko pa sa katawan ang dalawang kamay sa hangin para mapakita ang kabuoan ng suot ko.

Mabilis lang niyang tiningnan ang damit ko. Agad niyang binalik sa mata ko ang kanyang paningin.

"Hindi naman maarte ang Mama ko sa damit. Besides, this isn't a planned dinner so I'm sure that she doesn't care what you're wearing."

Bahagya akong napanguso sabay tango bilang sagot. He released a soft chuckle while fixing the loose strands of hair that fell into my cheeks.

"Sure ka ba dito? Baka mamaya magalit ang Mama mo," ang pag-aalala sa aking tono ay hindi pa rin tumatakas sa aking boses at sistema.

I need to make sure just to ready myself for an expected situation. I want to ready myself in case something went off.

"My Mom's nice, Stef," sambit ni Denver sa malambot ngunit baritono pa ring boses. "I promise you, she's a great Mom."

"Mabait to the point na puwede nang maging mother-in-law ko?"

Nakita ko ang mabilis na pag-awang ng bibig niya.

For some reason, he stopped walking. Napatigil din ako sa paglalakad dahil doon.

Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon