Kabanata 11
Past
I can still feel the frustration that was built inside of me a while ago. Hindi talaga ako makapaniwala na magkikita pa kami sa iisang building!
Pero kahit na ganoon ay pinanatili ko pa rin sa aking mukha ang pagiging kalmado. However, my brain and insides are acting in an opposite way.
Denver was quiet beside me. Hindi ko naman kasi tinatago sa kanya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Earlier, he asked me what was going on when I dropped the call with Ate Paula.
Hindi ko pa sinasagot ang tanong niya. Baka kung ano pang masabi ko kung nagsalita ako kanina habang sumasabog ang frustrations ko.
I can feel his stare and his urge to ask but he still stayed silent. Nakahinga naman ako ng maluwag doon dahil kung nangulit pa siya ay baka makita niya ang isang side ng personality ko na dapat talagang tinatago.
Asar na asar ako habang pinapanood ang pagbabago ng numero sa elevator hudyat na umaangat ito.
My stance screams impatience. I was tapping the elevator's floor with my right foot while my arms are crossed on my chest.
Napabuga ako ng marahan na hininga nang makarating kami sa tamang palapag. Nauna na akong naglakad at hinayaan si Denver na sumunod sa aking likod.
Ate Paula told me that we should meet at the conference room here on the third floor. Iniisip ko pa lamang kung sino ang aabutan ko roon ay nag-iinit na ang kalamnan ko.
Mabibigat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang daan papunta sa conference room. Halos hindi na rin ako makalingon sa paligid para i-check kung may bumabati ba sa akin.
Pagkarating sa tapat ng conference room ay huminga muna ako ng malalim bago padarag na binuksan ang glass door.
Bumungad sa akin si Ate Paula at ang lalaking hindi ko inakalang makikita ko pa. May isa ring manager doon na katapat lang ni Ate Paula.
Ate Paula instantly stood up while having this sour face. Sumunod sa kanya ang dalawa pa niyang kasama sa loob ng conference room.
"Stef," tawag ni Ate Paula sa akin.
Hindi ko siya sinagot o tinanguan man lang. Nakadiretso ang tingin ko sa lalaking naka-puwesto sa kabisera ng mesa.
I heard Ate Paula cleared her throat. Binati rin kami ng isa pang manager na kasama nila roon.
Wala akong pinansin sa kanila. Nanatiling diretso ang tingin ko sa kanyang nakangising mukha. I almost threw up because of his jerked up face.
"Cheza-"
"Shut up. Don't call me that," pagputol ko sa kanya sa mariin na boses.
Both of his brows shot up. Iniwas niya pa ang tingin sa akin pero ang ngisi sa kanyang labi ay nanatili pa rin.
Mabilis akong naglakad papunta sa mesa. I was glaring at him that I'm sure he'll feel very bothered.
"What the fuck are you doing here?" pinaghalong riin at hina kong tanong kay Hudson.
Hindi niya ako sinagot. Instead, he looked at the manager and Ate Paula. He told them to sit which made my blood boiled more.
I didn't move on my place. Talagang hinintay ko siyang sumagot kahit na alam ko ay hindi naman niya ako sasagutin ng matino. He's always been like that. Carefree and thinks that everything in this world can be taken as a joke.
"Wow... Thanks for the warm welcome, Chez-"
Mabilis pa sa alas kuwatro ko siyang pinutol sa nais niyang sabihin. "I told you to not call me that!"
BINABASA MO ANG
Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)
Novela JuvenilRedes Sociales Series #1 Estefania Cheza Vidal only has one dream in her life since she was a little girl: to influence other people and to showcase her talents. She will do anything just to pay off the hard works she did for her career. Until one v...