Kabanata 9

48 2 0
                                    

Kabanata 9

Passion

"You want to go to my studio?"

I nodded at Denver. He looked shock at my request. Sinandal niya pa ang likod sa sandalan ng upuan na para bang hindi talaga niya inaasahan ang sinabi ko.

Sumimsim na lang ako sa Coke zero habang hinihintay siyang magsalita. He's still out of words as he kept on staring at me na para bang isa akong tanong sa exam na hindi niya masagot-sagot.

Nandito kami sa bahay at kumakain ng dala niyang meryenda. He comes here more often nowadays.

Ang alam ko ay nag-umpisa siyang pumunta rito noong sinabi ni Naz na kumakain lang talaga ako sa labas. She even told me that I couldn't cook!

Such a friend.

Simula noon ay dinadalan niya na 'ko ng pagkain. It was more on lutong bahay rather than the usual fast foods he brings.

It's been days since I agreed to Boss Franz' plan. Ngayon lang ako makakapag-umpisa dahil naging abala ako sa school works.

Aaminin ko, it was a petty way but what can I do? I am desperate for ways! This is long overdue!

I rolled my eyes at Denver. Ang tagal namang mag-isip ng isang 'to! Parang hindi ko pa siya narinig na kumanta at tumugtog.

"Sa studio mo lang naman! Tutugtog lang naman tayo r'on," I convinced him. "Hindi naman tayo maglilibot, e."

Kahit na ilang araw na ang lumipas simula noong nag-trending kami ay mas minabuti muna naming hindi lumabas sa kung saan-saan. Ani Ate Paula ay hintayin na lang muna namin 'yung paparating naming project bago lumibot.

I saw Denver sighed once again. Bahagyang ngumuso ang mga labi niya na para bang tinatantiya niya ako.

Kumunot ang noo ko. "What?"

Siningkit niya ang mata saglit bago humilig sa lamesa.

"I feel like you're teasing me..."

"Judger ka!" sabi ko sa kanya sabay tapon ng balat ng burger sa kanya. "Hindi, noh. Gusto ko lang naman mag-jamming. I'm dying of boredom in here!"

"Then suddenly you want to come to my studio and play? You really have some random ideas in your head, huh?" aniya sabay subo sa burger niya.

I glared at him. "Hindi 'to random. Sobrang na-curious lang kasi ako sa pagtugtog mo..."

"Bakit naman?"

Humilig ako sa lamesa at nilapit ko pa lalo ang katawan patungo sa kanya. He was watching me intently while I'm preparing for a convincing talk with him.

"You see, Den, sobrang ganda mong panoorin n'ong napanood kita tumugtog sa sala ko. You looked so passionate while strumming the strings of the guitar and sing the lyrics of the song..."

He pursed his lips once. Patuloy siyang nakatitig sa akin. When I gave him a sweet smile, he looked away immediately and cursed under his breath.

"Sige na kasi... You saw me do my passion and I want to see yours! Give and take!" pagpupumilit ko sa kanya.

Hindi ko talaga siya titigilan hangga't hindi siya pumapayag. This is like half percent of the plan and half percent that I really want to see him play.

It's like killing two birds in one stone.

Binalik niya ang paningin sa akin. He sighed when he saw me blinked thrice and gave him my super convincing smile.

Kung hindi pa siya pumayag dito ay ewan ko na lang!

His jaw tensed and sighed once again.

Pakipot pa 'tong lalaking 'to...

Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon