Kabanata 5

75 4 16
                                    

Kabanata 5

Urgent

I stood up as soon as our professor bid us a good day after the school bell rang. This subject is my last for the day and that thought just makes me crave more for the comfort of my awaiting bed at home.

Tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng arm chair. I blew a loud breath when I saw the text message of Ate Paula that just came in.

Paniguradong may pagbabago na naman sa schedule ko nito.

Labag sa loob kong kinuha ang cellphone. Napapikit na lamang ako ng mariin nang makitang tama nga ako ng hinala.

Ate Paula:

May urgent meeting kayo ni Denver at three p.m. Tapos na rin naman ang klase mo, 'di ba? Sinabi ko na rin naman kay Denver na kunin ka riyan. Buti na lang at tapos na 'yung last class niya.

I sighed deeply. Para bang pinagsakluban ako ng langit dahil naudlot na naman ang plano kong matulog ng mahimbing.

Pinlano ko iyon noong nakaraang dalawang araw dahil medyo naging toxic ang schedule ko tapos babawiin din pala sa akin!

Hindi naman ako maka-hindi dahil trabaho ko ito. I'm used to these situations but I always get upset when my planned rests are cancelled.

With my lazy hands, I typed a reply to Ate Paula while walking out of the classroom.

Ako:

Noted. Papunta na ako sa gate. What's the meeting all about though?

I exited the conversation of Ate Paula and I. Nilipat ko naman iyon sa messages namin ni Denver. Puno iyon ng text namin kagabi. Our conversation last night really interests me that it made me want to reread it.

I set that thought aside and first typed in my message.

Ako:

I'm on my way to the main gate. Where are you?

Hindi ko pa man naibaba ang cellphone ko ay nag-vibrate na ito. I immediately unlocked it and saw his reply.

Denver:

Stuck in traffic ako rito sa harap ng palengke. Can you wait for me for a few minutes? Susubukan kong maghanap ng kanto na puwedeng shortcut papunta riyan.

Ako:

Huwag na. I can wait and we still have plenty of time. I'll just wait for you. Take your time and don't be pressured. Baka maaksidente ka pa.

Kakapindot ko pa lamang ng sent button ay may narinig akong nagsigaw sa pangalan ko sa paligid. I lift my gaze up and saw my former blockmates coming near me.

They were having all smiles while walking towards me.

I sighed deeply. Hindi pa man sila tuluyang lumalapit sa akin ay nahuhulaan ko na agad kung ano ang sasabihin nila.

"Hey..." mahina kong bati nang tuluyan silang makalapit sa akin.

"Blooming ka today, ha?" mapang-asar ang tono ni Rachel.

I heard Gabby, who's beside Rachel, laughed. "Ang guwapo ba naman ng ka-partner mo sa projects, 'di ba?"

Peke akong ngumisi. I know these people. Kahit na hindi nila ipakita at sabihin sa akin ay alam na alam kong ang grupong ito ay isa sa mga pinaka-toxic sa college department.

Nalaman ko pa nga na nag-away-away sila noon dahil sa pagba-back stab sa isa't isa tapos ay magkakasama na naman sila ngayon?

"So..." mahabang sabi ni Rachel. "What's the real score between Mr. Omegle and Ms. Influencer?"

Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon